Posts

Showing posts from February, 2023

PANITIKAN: Paglipad ng Pangarap

Isang ibong ‘di makalipad, Nasawing palad. Hanap-hanap ang kaniyang pugad, nang makapagpahinga agad.   Sa himpapawid ay malaya, ngunit nahihiya. Sinuyod ang buong langit nang maibsan ang inggit.   Sa bawat pagaspas, oras ay lumipas. Malinaw na bukas, tunay na ‘di kukupas.   Magandang tanawin, sa aking pangin. Siyang nais abutin, ngunit pakpak ko’y bitin.   ‘Di maaaring lumipad ng matulin, kung salungat ang hangin. Sugal sa tatawirin, daanang hangarin.     Isinulat ni Danielle Rose Zurita

#WALANGPASOK!!!

Image
Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na Special (Non-Working) Day ang ika-24 ng Pebrero, 2023 sa bansa sa bisa ng Proklamasyon Blg. 167, s. 2023. Bisitahin ang Official Gazette website: https://mirror.officialgazette.gov.ph/.../proclamation.../

BALITA: Ang Pahatid FB Page, Aprobado na!

Image
Matapos ang mahabang lockdown sa buong Pilipinas dulot ng pandemya ay muling maghahatid ng balitang pangkampus ang mga mamamahayag (mula sa Baitang 7 hanggang 10) ng Ang Pahatid – opisyal na pahayagan ng Timoteo Paez Integrated School-High School (TPaez). Nilagdaan ni G. Sonny D. Valenzuela, punongguro ng TPaez noong ika-14 ng Pebrero, 2023 ang liham ng patnugot na payagang magamit ang Facebook Page bilang paraan ng mabilisang paghahatid ng mga kaganapan sa loob at labas ng paaralan. Kasabay nito ay ang pagbibigay-pahintulot ni G. Valenzuela na gamitin bilang pagkakakilanlan ang bagong anyo ng Logo ng nasabing pahayagang pangkampus. Inaasahang magiging mas mabilis na ang pagpapabatid ng balita sa nasasakupang komunidad. Ika-23 ng Pebrero, 2023 Isinulat ni: Ashlien Joy VidaƱa

BALITA: IN-SET TRAINING, muling naisagawa sa TPIS

  Matapos ang dalawang magkasunod na taon mula 2020 ay matagumpay na isinagawa ang apat na araw na Mid-Year School-Based In-Set Training (In-Set) taong-aralan 2022-2023 para sa mga guro ng Timoteo Paez Integrated School (Junior at Senior High School) na may temang “Strengthening Student-Centered Holistic Practices to Foster Improved Academic Achievements” noong ika-6 hanggang ika-10 ng Pebrero taong kasalukuyan mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa covered court ng paaralan. Sabik na nakiisa sa mga aktibidad ang mga guro sapagkat lahat ay aktibong ginawa ang mga gawain gaya ng pagpapakitang-gilas sa pagsigaw ng kaniya-kaniyang yell sa bawat kagawaran at pag-indak kasama ang Galaw Pilipinas sa pamumuno ng Kagawaran ng MAPEH, pagbibigay-ulat hinggil sa paksang tinalakay sa magkakaibang araw at marami pang iba. Binigyang-diin ni Dr. Andrei Nicolai Pacheco, Public School District Supervisor sa kaniyang mensahe ang pagmamahal ng mga guro sa kanilang propesyon sa kab

ISPORTS: Paezian, wagi muli sa larangan ng basketball

                 Pinatunayan ng mga lalaking manlalaro mula sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) ang pagiging kampeon sa larangan ng Basketball matapos manguna sa Division Meet noong Pebrero 7, 2023 na ginanap sa Andres Bonifacio Elementary School (ABES). Hindi nagpatinag ang mga atleta sa tira ng kalaban, tunggalian ng tibay at lakas ang labanan kontra sa apat na distrito, nakakuha sila ng 59-55 sa Distrito 2, 57-28 sa Distrito 3, 55-38 sa Distrito 5 at 58-34 sa Distrito 6. Unang sinabak ng mga atleta ang District meet noong Enero 21 at kampeon sila sa pagitan ng dalawang paaralan 68-37 ng Dr. Juan G. Nolasco at 62-40 ng Tondo High School. "Oo, talagang dikdikan. Kase talagang pinaghandaan namin yun, dugo't pawis binigay namin lalo na sa mga training namin, pinapagawa kase samin more on cardio. Para kaya naming tumagal maglaro sa loob ng court. Puro takbo, suicide kung tawagin." pahayag ni Albert Fernandez, isa sa mga atletang nakapanayam. Nagpapasalamat sa pinakita

PANITIKAN: Paglimot sa nakaraang hindi na dapat balikan

  Ang nakaraan ko ay isang bangungot, na hindi ko na uulitin. Sa bawat pagkakamali na nagawa, ay mas pinipili kong itama.   Ang nakaraan ko ay isang multo, na hindi ko na nais balikan. Sa bawat pagdurusa na dinanas, ay mas pinipili kong kalimutan   Ang nakaraan ko ay isang sumpa, na hindi ko na hahayaang bumalik pa. Sa bawat pag-asa na nawala, ay mas pinipili kong muling magtiwala. Isinulat ni Lhean Lyn S. Bangcale

ISPORT: Palo ng paezian, panalo

     Nanguna ang mga mahuhusay na mag-aaral mula sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) sa pandistritong palaro sa larangan ng badminton noong Enero 21, 2023 na ginanap sa Sureshot Sportsville Abad Santos.      Hindi sumuko ang mga manlalaro sa pagdepensa ng pagpalo sa pagitan ng dalawang matibay na paaralan, Dr. Juan P. Nolasco at Antonio J. Villegas Vocational High School.      Tinanghal na kampeon si Joseph Jr. M. Tolleno matapos makakuha ng (19-30, 30-10) sa single match.      Wagi rin sina john Joel B. Evangelio at Steven Cayabyab (30-23, 30-21) sa double match.      Sila rin ang mga manlalarong sumabak sa Division Meet noong Pebrero 7 at 8, 2023.      Sabi ni Tolleno "yung mga pinagdaanan namin sobrang hirap kasi kailangan namin maitaas ang bandila ng Timoteo Paez."      Papasalamat ang tanging nasabi sa likod ng tagumpay ng mga atleta at na nagbunga ang kanilang pagsusumikap na makamit ang inaasam na panalo sa tulong ng kanilang coach na si Gng. May Melendez na guro

BALITA: Pilipinas, nag-uwi ng 21 awards mula sa IPITEX sa Thailand

Image
                 THAILAND INVENTOR’S DAY 2023. Nagpakitang gilas ang mga Pilipino sa paghakot ng 21 parangal mula sa inventor’s day ng Thailand.           Nagkamit ang Pilipinas ng dalawampu’t isang (21) na parangal mula sa apat na imbensyon sa Thailand 2023 Inventors Day and Bangkok International Intellectual Property, Invention, Innovation and Technology Exposition (IPITEX) na ginanap noong Pebrero 2-6, 2023 sa Bangkok, Thailand.             Ang apat na nasabing imbensyon ng mga piling mag-aaral mula sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) ay si Angela Mae B. Mojica, (Baitang 10) at Bb. Marisol Payra, guro sa Information & Communications Technology sa Senior High School para sa proyektong  E-frontliner Bluetooth Controlled Assistant Robot. Kinatawan naman ni John Paul S. Ralloma (Baitang 8) ang kaniyang partner na si Stephen Ray C. Pastrana (Baitang 10) kasama si Gng. Socorro O. Lozano (Teacher III) ang proyektong Hair Plastic Block- Paving Block using Human Waste and Plastic

ISPORT: Atleta ng arnis, kampeon sa district meet

  Tinanghal na kampeon ang mga mag-aaral mula sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) sa pandistritong palaro sa larangan ng Arnis na ginanap sa Antonio A. Marcelo High School noong Pebrero 6, 2023.   Nagpamalas ng kahusayan ang mga atleta ng TPIS sa pakikipagtagisan ng lakas sa larong Arnis laban sa lahat ng paaralan sumali sa patimpalak sa buong Distrito 1.   Nagbunga naman ang pagsasanay ng mga atleta sa kabila ng mabigat na pag-eensayo gayong hindi pa rin nila kinaligtaan na gampanan ang kanilang tungkulin sa pag-aaral sa pamamagitan ng tamang paggamit ng oras.   Nakamit ng mga lalaking manlalaro na sina Andrayn Daguio (2nd place pin weight), Jhared Aliser (2nd place bantam weight), Lester MaƱoza (1st place feather weight), Christian James Paz (2nd place extra-light weight) at Austine Tayco (2nd Place half-light).     Hindi naman nagpatalo ang mga babaeng atleta na sina Geraline Galves (3rd place bantam weight), Franchesca Arpe (first place pin weight), Jamaica Rey