ISPORTS: Paezian, wagi muli sa larangan ng basketball

             Pinatunayan ng mga lalaking manlalaro mula sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) ang pagiging kampeon sa larangan ng Basketball matapos manguna sa Division Meet noong Pebrero 7, 2023 na ginanap sa Andres Bonifacio Elementary School (ABES).

Hindi nagpatinag ang mga atleta sa tira ng kalaban, tunggalian ng tibay at lakas ang labanan kontra sa apat na distrito, nakakuha sila ng 59-55 sa Distrito 2, 57-28 sa Distrito 3, 55-38 sa Distrito 5 at 58-34 sa Distrito 6.

Unang sinabak ng mga atleta ang District meet noong Enero 21 at kampeon sila sa pagitan ng dalawang paaralan 68-37 ng Dr. Juan G. Nolasco at 62-40 ng Tondo High School.

"Oo, talagang dikdikan. Kase talagang pinaghandaan namin yun, dugo't pawis binigay namin lalo na sa mga training namin, pinapagawa kase samin more on cardio. Para kaya naming tumagal maglaro sa loob ng court. Puro takbo, suicide kung tawagin." pahayag ni Albert Fernandez, isa sa mga atletang nakapanayam.

Nagpapasalamat sa pinakitang kahusayan at galing ng mga nagwaging atleta na sina Ken Gonzales, Neal Martinez, Angelo Seque, Albert Fernandez, Jermaine Dela Cruz, Psalm Dela Cruz, Victor Aranda, Reguniel Koski Mangilaya, Quendrik Monforte, Audree Parra, Paul Pring at Welson Ocampo ang mga nabanggit na atleta ay ang maglalaro sa Manila meet ayon sa kanilang mga coach na sina G. Bradley Ballesteros at G. Mark Liwanag.           

"All out palagi. kahit anong mangyari kailangan think positive. lalo na ako, kase ako captain ball. kapag nawalan ako ng pag-asa na manalo baka mawalan din ng pag-asa yung mga kakampi ko. Kumpyansa lang sa lahat, di kami pwedeng umuwing talo", ayon kay Gonzalez, captain ng TPIS basketball team.

 

 

Isinulat ni Graciel Balane


Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!