BALITA: GAD capability building, dinaluhan ng Teaching & Non-teaching Personnel



Hindi napigilan ng masamang panahon ang mga guro sa Junior at Senior High kasama ang lahat ng non-teaching personnel sa ginanap na Gender and Development (GAD) Capability Building sa Caliraya Resort Club Inc. sa Lumban, Laguna noong ika-14 ng Hulyo, 2023.

Naging matagumpay ang isinagawang GAD Capability Building bilang tugon sa inilabas noong Hulyo 18, 2013 na DepEd Order 27, s. 2013 o Guidelines and Procedure on the Establishment or DepEd Gender and Development (GAD) Focal Point System (GFPS) at the Regional, Division and School Levels sa pangunguna ni G. Sonny D. Valenzuela, kasalukuyang punongguro ng Pinagsanib na paaralang Timoteo Paez.

Ang layunin nito ay palawakin ang pagsasanay sa pagiging sensitibo, pagsusuri, at pagpaplano sa kasarian pati na rin ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga batas, patakaran, at tool na nauugnay sa GAD.

Masama man ang panahon ay naging makabuluhan naman ang inihandang aktibidad na sumubok sa pagkakaisa ng magkakaibang departamento na pinagsama sa iisang pangkat. Ilan sa mga aktibidad na ito ay ang earth ball at mudslide.

Hinati sa apat na pangkat ang lahat ng mga nakilahok sa aktibidad sa pamumuno ng tumayong facilitator mula sa Caliraya Resort Club Inc. para magbigay-gabay sa gawain.

Kaya naman taos-pusong nagpapasalamat si Gng. Eileen Marie C. De Leon, Focal Person ng GAD sa mga nakiisa mula sa lahat ng head teachers, office in charge, master teachers, utility personnel, finance.

“Ang GAD Committee sa pangunguna ng ating Principal ay nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa sa ating aktibidad. Padayon”, pahayag niya.

Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!