ISPORT: Atleta ng arnis, kampeon sa district meet

 

Tinanghal na kampeon ang mga mag-aaral mula sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) sa pandistritong palaro sa larangan ng Arnis na ginanap sa Antonio A. Marcelo High School noong Pebrero 6, 2023.

 

Nagpamalas ng kahusayan ang mga atleta ng TPIS sa pakikipagtagisan ng lakas sa larong Arnis laban sa lahat ng paaralan sumali sa patimpalak sa buong Distrito 1.

 

Nagbunga naman ang pagsasanay ng mga atleta sa kabila ng mabigat na pag-eensayo gayong hindi pa rin nila kinaligtaan na gampanan ang kanilang tungkulin sa pag-aaral sa pamamagitan ng tamang paggamit ng oras.

 

Nakamit ng mga lalaking manlalaro na sina Andrayn Daguio (2nd place pin weight), Jhared Aliser (2nd place bantam weight), Lester Mañoza (1st place feather weight), Christian James Paz (2nd place extra-light weight) at Austine Tayco (2nd Place half-light). 

 

Hindi naman nagpatalo ang mga babaeng atleta na sina Geraline Galves (3rd place bantam weight), Franchesca Arpe (first place pin weight), Jamaica Reyes (1st place feather weight), Janella Roselle Ramirez (1st place extra-light weight) at Angel Quitaleg (1st place half-light weight).

 

Malaki ang pasasalamat ng kanilang coach na si Bb. Rocell S. Dugos, guro sa MAPEH at dahil sa kanilang ipinakitang kahusayan ang mga nabanggit na atleta ang maglalaro Division level sa ilalim ni G. Errol De Jesus Simon bilang trainor ng mga arnisador ng TPIS Arnis.

 

"Sa arnis natuto kaming magself-defense, thankful po lalo na kay Lord, manalo man o matalo as long as binigay ang best, masaya na po kami para don" wika ng mga manlalaro.

 

 

 

Isinulat ni Graciel Balane

Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!