BALITA: Pilipinas, nag-uwi ng 21 awards mula sa IPITEX sa Thailand
Nagkamit ang Pilipinas ng dalawampu’t
isang (21) na parangal mula sa apat na imbensyon sa Thailand 2023 Inventors Day
and Bangkok International Intellectual Property, Invention, Innovation and Technology
Exposition (IPITEX) na ginanap noong Pebrero 2-6, 2023 sa Bangkok, Thailand.
Ang apat na nasabing imbensyon ng mga piling mag-aaral mula sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) ay si Angela Mae B. Mojica, (Baitang 10) at Bb. Marisol Payra, guro sa Information & Communications Technology sa Senior High School para sa proyektong E-frontliner Bluetooth Controlled Assistant Robot.
Kinatawan naman ni John Paul S. Ralloma (Baitang 8) ang kaniyang partner na si Stephen Ray C. Pastrana (Baitang 10) kasama si Gng. Socorro O. Lozano (Teacher III) ang proyektong Hair Plastic Block- Paving Block using Human Waste and Plastic as Aggregates.
Kinatawan din ni Gng. Editha P. Gamboa (Teacher I) ang imbensyon nina Marian Ashley S.J. Cabrera, at Aijie S. Gado (Baitang 7) na Breathing Assistant Mechanical Ventilator.
Isa sa
pinarangalan ang imbensyon ni G. William Chua, Director ng Filipino Inventor
Society Inc. ang Manila block
Interlocking Wall Block.
Nag-uwi ng karangalan sa bansa sina G. Sonny D. Valenzuela, ang Pangulo ng Manila Young Association at kasalukuyang punongguro ng TPIS at mga kasamang guro na sina Gng. Ma. Socorro M. Lozano, Gng. Editha P. Gamboa, at Gng. Marisol D. Payra, mga dalubhasang guro, G. Roland P. Ralloma, Puno ng Kagawaran sa Araling Panlipunan, at Gng. Vilma B. Mojica, Puno ng Kagawaran sa Filipino.
Ang kumbensyong ito ay dinaluhan ng 470 na imbensyon at mga proyekto mula sa 24 na bansa at 29 na organisasyon/ asosasyon.
Isinulat ni Angela Mae B. Mojica
Comments
Post a Comment