PANITIKAN: Paglipad ng Pangarap


Isang ibong ‘di makalipad,

Nasawing palad.

Hanap-hanap ang kaniyang pugad,

nang makapagpahinga agad.

 

Sa himpapawid ay malaya,

ngunit nahihiya.

Sinuyod ang buong langit

nang maibsan ang inggit.

 

Sa bawat pagaspas,

oras ay lumipas.

Malinaw na bukas,

tunay na ‘di kukupas.

 

Magandang tanawin,

sa aking pangin.

Siyang nais abutin,

ngunit pakpak ko’y bitin.

 

‘Di maaaring lumipad ng matulin,

kung salungat ang hangin.

Sugal sa tatawirin,

daanang hangarin.

 

 


Isinulat ni Danielle Rose Zurita


Comments

Popular posts from this blog

BALITA: GAD capability building, dinaluhan ng Teaching & Non-teaching Personnel

ISPORT: Atleta ng arnis, kampeon sa district meet