Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na Special (Non-Working) Day ang ika-24 ng Pebrero, 2023 sa bansa sa bisa ng Proklamasyon Blg. 167, s. 2023.
Hindi napigilan ng masamang panahon ang mga guro sa Junior at Senior High kasama ang lahat ng non-teaching personnel sa ginanap na Gender and Development (GAD) Capability Building sa Caliraya Resort Club Inc. sa Lumban, Laguna noong ika-14 ng Hulyo, 2023. Naging matagumpay ang isinagawang GAD Capability Building bilang tugon sa inilabas noong Hulyo 18, 2013 na DepEd Order 27, s. 2013 o Guidelines and Procedure on the Establishment or DepEd Gender and Development (GAD) Focal Point System (GFPS) at the Regional, Division and School Levels sa pangunguna ni G. Sonny D. Valenzuela, kasalukuyang punongguro ng Pinagsanib na paaralang Timoteo Paez. Ang layunin nito ay palawakin ang pagsasanay sa pagiging sensitibo, pagsusuri, at pagpaplano sa kasarian pati na rin ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga batas, patakaran, at tool na nauugnay sa GAD. Masama man ang panahon ay naging makabuluhan naman ang inihandang aktibidad na sumubok sa pagkakaisa ng magkakaibang departamento na pi...
Tinanghal na kampeon ang mga mag-aaral mula sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) sa pandistritong palaro sa larangan ng Arnis na ginanap sa Antonio A. Marcelo High School noong Pebrero 6, 2023. Nagpamalas ng kahusayan ang mga atleta ng TPIS sa pakikipagtagisan ng lakas sa larong Arnis laban sa lahat ng paaralan sumali sa patimpalak sa buong Distrito 1. Nagbunga naman ang pagsasanay ng mga atleta sa kabila ng mabigat na pag-eensayo gayong hindi pa rin nila kinaligtaan na gampanan ang kanilang tungkulin sa pag-aaral sa pamamagitan ng tamang paggamit ng oras. Nakamit ng mga lalaking manlalaro na sina Andrayn Daguio (2nd place pin weight), Jhared Aliser (2nd place bantam weight), Lester MaƱoza (1st place feather weight), Christian James Paz (2nd place extra-light weight) at Austine Tayco (2nd Place half-light). Hindi naman nagpatalo ang mga babaeng atleta na sina Geraline Galves (3rd place bantam weight), Franchesca Arpe (first p...
Comments
Post a Comment