ISPORT: Palo ng paezian, panalo
Nanguna ang mga mahuhusay na mag-aaral mula sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) sa pandistritong palaro sa larangan ng badminton noong Enero 21, 2023 na ginanap sa Sureshot Sportsville Abad Santos.
Hindi sumuko ang mga manlalaro sa pagdepensa ng pagpalo sa pagitan ng dalawang matibay na paaralan, Dr. Juan P. Nolasco at Antonio J. Villegas Vocational High School.
Tinanghal na kampeon si Joseph Jr. M. Tolleno matapos makakuha ng (19-30, 30-10) sa single match.
Wagi rin sina john Joel B. Evangelio at Steven Cayabyab (30-23, 30-21) sa double match.
Sila rin ang mga manlalarong sumabak sa Division Meet noong Pebrero 7 at 8, 2023.
Sabi ni Tolleno "yung mga pinagdaanan namin sobrang hirap kasi kailangan namin maitaas ang bandila ng Timoteo Paez."
Papasalamat ang tanging nasabi sa likod ng tagumpay ng mga atleta at na nagbunga ang kanilang pagsusumikap na makamit ang inaasam na panalo sa tulong ng kanilang coach na si Gng. May Melendez na guro sa MAPEH at mga tagapagsanay na sina Divina Cassandra Casero, Joshua Kyle Camayudo, Vino Velacse, Ferdinand Tilano Mendoza na mga alumni sa TPIS.
Isinulat ni Graciel L. Balane
Comments
Post a Comment