PANITIKAN: Paglimot sa nakaraang hindi na dapat balikan

 

Ang nakaraan ko ay isang bangungot,

na hindi ko na uulitin.

Sa bawat pagkakamali na nagawa,

ay mas pinipili kong itama.

 

Ang nakaraan ko ay isang multo,

na hindi ko na nais balikan.

Sa bawat pagdurusa na dinanas,

ay mas pinipili kong kalimutan

 

Ang nakaraan ko ay isang sumpa,

na hindi ko na hahayaang bumalik pa.

Sa bawat pag-asa na nawala,

ay mas pinipili kong muling magtiwala.


Isinulat ni Lhean Lyn S. Bangcale

Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!