Posts

Showing posts from December, 2023

BALITA: TPIS Christmas Cantata 2023, isinagawa

        Isinagawa na ang Christmas Cantata ng mga paezian ngayong ika-11 ng Disyembre sa Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez.              Sinimulan ang programa nang ika-7 ng umaga na pinangunahan ng masiglang pagbati ng tagapagdaloy na si Ginoong Red Atanacio, guro sa MAPEH.              Inumpisahan ito sa pamamagitan ng dasal na pinamunuan ni Bb. Desireejoy Alayon at kumpas ni Ginoong Atanacio sa pambansang awit.              Sunod namang nagbigay ng mensahe ang Guidance Counselor ng Paez na si Ginoong Romeo Tan.              Naghatid din ng mensaheng nagbibigay inspirasyon ang punong-guro ng Paez na si Ginoong Amor P. Dugay.              Ayon kay Ginoong Dugay, nagpapasalamat siya sa sa faculty club sa pangunguna ng  Presidente nito na si Ginoong Glen Noel, opisyales at kasapit ng faculty, administrator, judges, at pati na rin sa mga mag-aaral sa baitang 7 at 10.              Dagdag pa niya, "Wala nang tatalo pa sa paskong pinoy. Mula setyembre hanggang January ay talagang ip

LATHALAIN: Lubenas

          Isa sa mga pinakahihintay ng mga Filipino bukod sa araw ng mga puso ay pagsapit ng kapaskuhan sa tuwing sasapit ang ‘ber months’, ito ang panahon ng pagbibigayan at pagsasalo-salo ng pamilya, kaibigan, at kamag-anak. Makikita na rin sa mga bahay-bahay at gusali ang mga ilang palamuti katulad ng Christmas tree, pailaw at mga kumukuti-kutitap na mga parol na sumisimbolo sa paskong Pinoy pero hindi ba kayo napatanong sa tuwing magsasabit kayo ng parol kung paano ba ito umusbong at papaanong ito ay naging makabuluhan sa ating pasko?           Ang parol ay malapit sa ating pilipino dahil ito rin ang sumisimbolo sa ating pasko ngunit kahit gaano pa ito kahalaga sa atin, iilan lamang ang nakakaalam ng tunay na pinagmulan nito. Ang parol ay nagmula sa salitang "Farol" o ibig sabihin sa wikang kultura ay ‘lantern’. Nagsimula ang paggawa ng parol noong 1904-1908 sa pangunguna ng manlilikha na si Francisco Estanislaw na tungo sa San Fernando, Pampanga. Gamit ang ilang piraso n

KOLUM: Anti-Burnout, Maisasakatuparan Nga Ba?

          Ipapatupad ng mga iilang taga pangasiwa ng paaralang Timoteo Paez Integrated School ang Anti-Burnout. Ngunit sa isang kundisyon ay dapat walang mahuhulihang Grade 7 na magkakaroon ng record sa guidance office.            Magandang ideya ito upang maibsan ang pagiging burnout o pag ka bagot ng mga estudyante. Maglalaan ng sapat na oras ang MAPEH upang makapag laro ang mga bata. Napapansin kong maraming estudyante ang may dala ng kani-kanilang raketa upang makapag laro ng Badminton sa kanilang vacant. Ngunit, papahintulutan lamang ang iilang mga estudyanteng mag laro ng Volleyball kung may bantay silang guro. Ito'y tiyak na magugustuhan ng mga mag aaral upang hindi sila tamarin na pumasok at para ito'y maging daan din upang sila'y maging maayos at hindi pasaway upang maituloy itong inilulunsad ng mga tagapangasiwa ng paaralan.           Ang programang ito ay napakamatalinong ideya. Ngunit, kailangan muna sumunod ng mga mag aaral sa kundisyon upang ito'y matuloy.

BALITA: Buwan ng Ingles, pormal nang isinara

            Pormal nang isinara ang Buwan ng Ingles noong ika-4 ng Disyembre simula ng magbukas ito noong ika-9 ng Nobyembre sa Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez.              Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagkanta ng pambansang awit at sinundan ng dasal.              Unang nagbigay ng pambungad na pananalita ang Master Teacher ng Departamento ng Ingles na si Gng. Joy Mendoza na nagpahatid ng pasasalamat sa mga Curriculum Chair gayundin sa mga taong sumuporta at tumulong upang maging posible ang kanilang programa.               Sumunod namang naghatid ng mensahe ang punong-guro ng paaralan na si Ginoong Amor P. Dugay.              Pinarangalan din ang mga mag-aaral na nagwagi sa mga patimpalak na inihandog ng Departamento ng Ingles sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sertipiko at pagsasabit ng medalya.              Nagpakitang gilas din sa pagsayaw ang mga mag-aaral na nagwagi sa story dance mula sa ika-7 hanggang ika-12 baitang.              Sunod namang inanunsyo ang mg

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!

          Panalo muli sa Distrito-uno ang mga manlalarong mula sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) matapos ang pakikipagtagisan ng lakas sa larangan ng Arnis na ginanap sa Abad Santos High School nitong Sabado, Disyembre 2, 2023.           Nagpakita ng galing sa pagpalo ang mga atleta ng TPIS sa pagitan ng tatlong matibay na paaralan,  Dr. Juan P. Nolasco High School, Tondo High School at Antonio J. Villegas Vocational High School.           Nagkamit sa palarong pang-distrito ang unang pwesto ng mga lalaking manlalaro na sina: Giean Angelo Arivan; Pinweight, Jhared Aliser; Bantamweight, Tristan Cruz Featherweight, John lester MaƱoza; Extra lightweight, at Jharel Andrei Banico; Half lightweight sa ika-unang laro.            Gayon din ang mga babaeng manlalaro na sina: Nicole Arpe; Pinweight, Hailey Ducot; Bantamweight, Shane Anne Santos; Featherweight, Geraline Galvez; Extra lightweight, at Janella Ramirez; Half lightweight.             Naging kampeon rin sa Final Round ang mga atl

SPORTS: Lahing Paezian, nangibabaw!

          Sinelyuhan ng mga manlalaro ng Chess mula sa Pinagsanib Paaralang Timoteo Paez Integrated School (T.P.I.S) ang iba't ibang mga Paaralan mula sa Ika-unang distrito sa larangan ng Chess noong ika-2 ng Disyembre na ginanap sa Tondo High School.           Nagtala ng kabuang iskor ang mga Mag-aaral na sina James Yuri Lachica (2.5-2), Seth Atienza (4-1), Lj Golosinda (4-1), Andrei De Quiroz (4-1), Angelica Roslin (4-0), Johnica Khaye Mananasala (4-0), Michelle Ople (4-0), at Mikaela Manampad (4-0) kontra Gregorio Perfecto High School, Dr Juan Nolasco, Antonio J Villegas, at Tondo High School.            “Just because you’ve lost a piece doesn’t mean you’re defeated. Instead of thinking you’re defeated, focus on how you’ll solve your game.” Ani Golosinda.            Aniya, napaka unexpected daw ng nangyari sa kadahilanan na 10 buwan pa lamang siyang nag che-chess at ito rin ang ika-una niyang laban sa larangang ito.            Ang mga Manlalaro ng Paez ay kasalukuyang nag eensay