BALITA: Buwan ng Ingles, pormal nang isinara
Pormal nang isinara ang Buwan ng Ingles noong ika-4 ng Disyembre simula ng magbukas ito noong ika-9 ng Nobyembre sa Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pagkanta ng pambansang awit at sinundan ng dasal.
Unang nagbigay ng pambungad na pananalita ang Master Teacher ng Departamento ng Ingles na si Gng. Joy Mendoza na nagpahatid ng pasasalamat sa mga Curriculum Chair gayundin sa mga taong sumuporta at tumulong upang maging posible ang kanilang programa.
Sumunod namang naghatid ng mensahe ang punong-guro ng paaralan na si Ginoong Amor P. Dugay.
Pinarangalan din ang mga mag-aaral na nagwagi sa mga patimpalak na inihandog ng Departamento ng Ingles sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sertipiko at pagsasabit ng medalya.
Nagpakitang gilas din sa pagsayaw ang mga mag-aaral na nagwagi sa story dance mula sa ika-7 hanggang ika-12 baitang.
Sunod namang inanunsyo ang mga nanalo sa Heroes and Villains gayundin ang ngayong taong nagwagi na si Lorain Ann Solis na nagdamit bilang Maleficent.
Bago matapos ang programa nagbigay naman ng pangwakas na pananalita si Bb. Desireejoy P. Alayon.
Iniwasto ni: Lhean Lyn Bangcale
Comments
Post a Comment