LATHALAIN: Lubenas

        Isa sa mga pinakahihintay ng mga Filipino bukod sa araw ng mga puso ay pagsapit ng kapaskuhan sa tuwing sasapit ang ‘ber months’, ito ang panahon ng pagbibigayan at pagsasalo-salo ng pamilya, kaibigan, at kamag-anak. Makikita na rin sa mga bahay-bahay at gusali ang mga ilang palamuti katulad ng Christmas tree, pailaw at mga kumukuti-kutitap na mga parol na sumisimbolo sa paskong Pinoy pero hindi ba kayo napatanong sa tuwing magsasabit kayo ng parol kung paano ba ito umusbong at papaanong ito ay naging makabuluhan sa ating pasko?


        Ang parol ay malapit sa ating pilipino dahil ito rin ang sumisimbolo sa ating pasko ngunit kahit gaano pa ito kahalaga sa atin, iilan lamang ang nakakaalam ng tunay na pinagmulan nito. Ang parol ay nagmula sa salitang "Farol" o ibig sabihin sa wikang kultura ay ‘lantern’. Nagsimula ang paggawa ng parol noong 1904-1908 sa pangunguna ng manlilikha na si Francisco Estanislaw na tungo sa San Fernando, Pampanga. Gamit ang ilang piraso ng kawayan, papel de hapon at kandila bilang ilaw. Ang parol ay sumisimbolo sa Tala ng Bethlehem na gumabay sa tatlong mago o hari na sina Gaspar, Baltazar at Melchor kung saan papunta sa Lugar kung san pinanganak si Jesus Kristo.


        Isa rin sa paniniwala ng mga kapangpangan na ang parol ay sumisimbolo sa araw ng mga patay o tinatawag na daun, ito at araw ng patay sa Pampanga sa modernong panahon kung saan nagsisilbing gabay sa mga kultura ang kanilang paglalakbay sa mundo ng mga buhay, katulad ng mga paggamit natin ng kandila sa modernong panahon.

      
        Lubenas ang isa sa mga matandang tradisyonal sa prusisyon na ginagawa sa Pampanga kung saan ginagamit na pailaw ang hugis bituin o parol sa pag gabay sa prusisyon. Ang lubenas ay novena o siyam na araw na sunod-sunod na pagdarasal nagsisimula ika-16 ng Disyembre at nagtatapos ng ika-24 ng kaparehas na buwan, kasabay nito ang simbang gabi. Noong laganap na ang electricidad at kuryenysa sa ating barya noong 1930 ito ang nagpa-usbong ng mga sumasayaw na at nagliliwanagang ilaw na pamilyar sa atin ngayon. 


        Ang San Fernando Pampanga ang kinikilala ngayong ‘Christmas Capital of the Philippines’ lalong lalo na dahil sa ‘Giant Lantern Festival’ o kung tawagin sa Pampanga at “Loupampanga ligligan parol”, Isang kapistahan kung saan Iba't ibang barangay ng San Fernando sa Pampanga ay nakikilahok sa paggawa ng mga parol. Isang paligsahan at kapistahan na nagbubukod sa mga mamamayan ng bawat barangay, bawat higanteng parol ay kumakatawan sa pagkakaisa at pagkamalikhain ng kanilang komunidad. Taon taon itong ipinagdiriwang simula noong 1904 o 1908.


        Bagama't importante sa bawat pilipino ang parol, hindi lahat ng pamilyang pilipino ay may kakayahang bumili nito ngunit may paraan upang kahit sa simpleng estilo ay magniningning pa rin ang bituin ng inyong pasko. Isa sa pinaka madaling paraan upang gumawa ng parol ay sa pamamagitan ng plastik ng bote na nakikita natin sa paligid at daan, ang mga kailangan natin sa paggawa ng parol ay: dalawang pirasong biteng plastik, gunting, pandikit, at gamit na kable. 


        Unang gagawin ay gugupitin ang unahang bahagi ng plastik na bote. Ikalawa, gugupitin naman ang katawang bahagi ng plastik na bote hanggang sa mag makabuo ito ng hugis bukaklak. Ikatlo, pagdikitin ang dalawang nabuong hugis ng bulaklak sa pamamagitan ng pandikit, idikit ito ng magkabaliktaran. Ikaapat, kapag nakadikit na ang mga bahagi ng nabuong hugis bulalak ay siya namang pagdidikitin para mabuo ang bituin sa pamamagitan ng pagtatali ng gamit na kable. Panghuli, kapag nabuo na ang huling bahagi ang pagsabit ng natitirang uluhan ng bottle na siyang ilalagay sa ilalim ng parol at magiging palamuti.


        Ngayong higit mo nang nauunawan ang pagbuo ng parol, may dapat kang pakatandaan. Ang pasko ay patungkol sa pagdiriwang ng pagsilang ng ating panginoon at hindi patungkol sa kung gaano ito kagarbo. Tulad ng mga parol na nakikita natin hindi kinakailangang manatili ng mga ilaw nito na nakasindi sa iilang minuto bagkus, mas napapaganda pa ng patay-sindi nitong liwanag kahuluhan at kaligayahang hatid nito sa sino mang makakakita, ganun din sa ating buhay, hindi kinakailangang lagi tayong makinang, minsan mas napapaganda pa ang ibigsabihin ng ating buhay kung mararanasan nating mag patay-sindi tulad ng isang parol.



        Isinulat ni Tiffany Anne Pascua
        Iniwasto ni: Lhean Lyn Bangcale

Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!