KOLUM: Anti-Burnout, Maisasakatuparan Nga Ba?
Ipapatupad ng mga iilang taga pangasiwa ng paaralang Timoteo Paez Integrated School ang Anti-Burnout. Ngunit sa isang kundisyon ay dapat walang mahuhulihang Grade 7 na magkakaroon ng record sa guidance office.
Magandang ideya ito upang maibsan ang pagiging burnout o pag ka bagot ng mga estudyante. Maglalaan ng sapat na oras ang MAPEH upang makapag laro ang mga bata. Napapansin kong maraming estudyante ang may dala ng kani-kanilang raketa upang makapag laro ng Badminton sa kanilang vacant. Ngunit, papahintulutan lamang ang iilang mga estudyanteng mag laro ng Volleyball kung may bantay silang guro. Ito'y tiyak na magugustuhan ng mga mag aaral upang hindi sila tamarin na pumasok at para ito'y maging daan din upang sila'y maging maayos at hindi pasaway upang maituloy itong inilulunsad ng mga tagapangasiwa ng paaralan.
Ang programang ito ay napakamatalinong ideya. Ngunit, kailangan muna sumunod ng mga mag aaral sa kundisyon upang ito'y matuloy. Sana'y mailunsad na ito upang wala nang estudyanteng mababagot sa loob ng paaralan.
Iniwasto ni: Lhean Lyn Bangcale
Comments
Post a Comment