SPORTS: Lahing Paezian, nangibabaw!
Sinelyuhan ng mga manlalaro ng Chess mula sa Pinagsanib Paaralang Timoteo Paez Integrated School (T.P.I.S) ang iba't ibang mga Paaralan mula sa Ika-unang distrito sa larangan ng Chess noong ika-2 ng Disyembre na ginanap sa Tondo High School.
Nagtala ng kabuang iskor ang mga Mag-aaral na sina James Yuri Lachica (2.5-2), Seth Atienza (4-1), Lj Golosinda (4-1), Andrei De Quiroz (4-1), Angelica Roslin (4-0), Johnica Khaye Mananasala (4-0), Michelle Ople (4-0), at Mikaela Manampad (4-0) kontra Gregorio Perfecto High School, Dr Juan Nolasco, Antonio J Villegas, at Tondo High School.
“Just because you’ve lost a piece doesn’t mean you’re defeated. Instead of thinking you’re defeated, focus on how you’ll solve your game.” Ani Golosinda.
Aniya, napaka unexpected daw ng nangyari sa kadahilanan na 10 buwan pa lamang siyang nag che-chess at ito rin ang ika-una niyang laban sa larangang ito.
Ang mga Manlalaro ng Paez ay kasalukuyang nag eensayo para sa magaganap na Division Meet.
Isinulat ni: Veronica Rose Creado
Iniwasto ni: Lhean Lyn Bangcale
Comments
Post a Comment