TPIS Arnisador, humakot ng parangal!

        Panalo muli sa Distrito-uno ang mga manlalarong mula sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) matapos ang pakikipagtagisan ng lakas sa larangan ng Arnis na ginanap sa Abad Santos High School nitong Sabado, Disyembre 2, 2023.


        Nagpakita ng galing sa pagpalo ang mga atleta ng TPIS sa pagitan ng tatlong matibay na paaralan,  Dr. Juan P. Nolasco High School, Tondo High School at Antonio J. Villegas Vocational High School.


        Nagkamit sa palarong pang-distrito ang unang pwesto ng mga lalaking manlalaro na sina: Giean Angelo Arivan; Pinweight, Jhared Aliser; Bantamweight, Tristan Cruz Featherweight, John lester Mañoza; Extra lightweight, at Jharel Andrei Banico; Half lightweight sa ika-unang laro. 


        Gayon din ang mga babaeng manlalaro na sina: Nicole Arpe; Pinweight, Hailey Ducot; Bantamweight, Shane Anne Santos; Featherweight, Geraline Galvez; Extra lightweight, at Janella Ramirez; Half lightweight.  


        Naging kampeon rin sa Final Round ang mga atletang sina Arivan, Arpe, Santos, Galvez, at Ramirez na siyang mga piling mag-aaral na isasalang sa Division Level kasama sina G. Errol De Jesus Simon at Bb. Rocel Dugos na tagapagsanay ng mga Arnisador ng TPIS Arnis.


        Nagbunga ang pagsasanay ng mga mag-aaral sa kabila ng mabigat at ginagabing pag-eensayo at pagbilad sa matinding sikat ng araw upang maging masigasig at malakas sa darating na laban. Gayon pa man kahit na kinakailangan nila itong pagtuunan ng pansin hindi nila nakakaligtaan ang kanilang pag-aaral.


        Isinulat ni: Graciel Balane
        Iniwasto ni: Lhean Lyn Bangcale

Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!