Posts

Showing posts from September, 2023

BALITA: Ika-72 anibersaryo ng Parokya ng San Rafael Arkanghel, ipinagdiwang

             Dinaluhan ng ating punongguro na si Ginoong Amor P. Dugay kasama ng ilang mga guro, SSG, at mga piling mag-aaral ang Banal na Misa Mayor para sa pagdiriwang ng ika-72 anibersaryo ng Parokya ng San Rafael Arkanghel na ginanap nitong ika-29 ng Setyembre.  Pormal na inumpisahan ang misa na may temang "Dalaw, Hilom, at Dasal" sa ganap na alas sais ng gabi na pinangunahan ng Chaplain ng Our Lady of Hope Mission Station na si Reb. Pd. Reginald Malicdem.  Ibinahagi niya ang pagkakakilanlan ni San Rafael at ang kahulugan ng pangalan nito na "Lunas mula sa Diyos." Bago matapos ang misa, nagpasalamat naman si Reb. Pd. Alexander Thomas sa pagdalo ng ating Konsehal NiƱo Dela Cruz at Konsehala Dra. Irma Alfonso.  Binanggit niya rin ang mga nag-isponsor  na nagmula sa lahat ng mga barangay, Sta. Krus Chapel, San Rafael Village Elementary School, San Rafael Parochial School, Parish Pastoral Council, Arsenio H. Lacson Elementary School, at Timoteo Paez Integrated Scho

LATHALAIN: Arkanghel Rafael

Image
     Nitong nagdaan na pandemya, halos lahat ng tao ay nawalan ng kausap at trabaho, kasabay nito ang pagkawala rin ng ating pag-asa. Ang kawalan ng bisyon sa magiging hinaharap ng ating buhay ang nagpaigting sa ating pananampalataya, lalo na sa tanang katoliko’t kristiyano.  Ayon sa banal na kasulatan, may pitong arkanghel o pinuno ng mga anghel sa langit ngunit tatlo lamang anag pinangalan dito. Ito ay sina; Arkanghel Miguel na  inilarawan sa libro ni Daniel, Hudas at sa Pahayag bilang isang mandirigmang anghel na nakikipaglaban sa ispiritwal na labanan; Si Arkanghel Gabriel, isang mensaherong pingkakatiwalaan ng panginoong Diyos na magppadala ng mga mahahalagang mensahe sa mga tao, siya rin ang nagpakita kina Daniel, Zacarias at kay Birheng Maria:  At ang huli, si Arkanghel Rafael, ang Arkanghel na binanggit lamang sa Libro ni Tobit.  Sino nga ba si Arkanghel Rafael?   Si Arkanghel Rafael ay isa sa mga pinuno ng mga anghel ng diyos sa kalangitan. Ang kaniyang ngalan nga’y nangangahu

BALITA: Take-Over Buhay Guro, Mga mag-aaral ang namumuno

         Matagumpay na naisagawa noong ika-29 ng septyembre 2023 ang take over ng mga estudyante sa kanilang mga guro na nagmula sa baitang 7-10 sa iba't ibang asignatura bilang isang araw sa buhay ng isang guro. Sa Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez Integrated School.            Para sa pag tatala ng take over ng SSLG, mararanasan ang isang araw ang buhay ng guro at pagsubaybay ng mga guro sa mga mag-aaral na mabuti at kusang nag boluntaryo para sa pagsasagawa ng Take Over.           Saad ng Presidente ng SSLG, "Para mas maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang ginagawa ng mga guro para sa kanila at mapagtanto kung gaano kahirap na mapunta sa kanilang posisyon".           Iba't ibang mga mag-aaral ang nakaranas ng sitwasyon bilang isang guro at halo-halong emosyon ang mga nasaksihan o naramdaman nila.            Katulad na lamang ng isang estudyante na nag bigay ng isang emosyanal na mensahe na si Bb. Nissel Claire Lehetemas tungkol sakanyang napagdaanan bilang isan

BALITA: Pinagdiriwang ang Buwan ng Agham

               Pinagdiwang ng TPIS ang Buwan ng Agham netong Setyembre, 2023 na may temang "Siyensya, Teknolohiya, at Inobasyon: kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan." Opisyal na binuksan ang Buwan ng Agham noong ika-18 ng Setyembre, 2023 na ginanap sa Covered Court ng TPIS. Ito ay pormal na sinimulan sa pag-awit ng pambansang awit, panalangin na pinangunahan ni Bb. Paula R. Ramilo at pagbibigay ng pambungad na pananalita ni G. Melandro D. Santos (Head teacher IV). Naghatid din ang Punong Guro na  si G. Amor P. Dugay ng mensahe ng inspirasyon. Matapos ito ay iprinisenta na ang mga patimpalak na isinagawa sa Buwan ng Agham.   Ang pagtatapos naman ng Buwan ng  Agham ay nangyari noong ika-2 ng Oktubre, 2023. Dito ay pinarangalan ang mga nanalo sa patimpalak na Quiz Bee, Infographics at Poster Making.  Para sa Infographics, ang mga nagwagi ay sina Jan Renee R. Dorliac (1st Place), Cezanne Jan R. Elizalde (2nd Place) at Jhassie Chim Celso (3rd Place). Ang mga