BALITA: Pinagdiriwang ang Buwan ng Agham

            Pinagdiwang ng TPIS ang Buwan ng Agham netong Setyembre, 2023 na may temang "Siyensya, Teknolohiya, at Inobasyon: kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan."


Opisyal na binuksan ang Buwan ng Agham noong ika-18 ng Setyembre, 2023 na ginanap sa Covered Court ng TPIS. Ito ay pormal na sinimulan sa pag-awit ng pambansang awit, panalangin na pinangunahan ni Bb. Paula R. Ramilo at pagbibigay ng pambungad na pananalita ni G. Melandro D. Santos (Head teacher IV). Naghatid din ang Punong Guro na  si G. Amor P. Dugay ng mensahe ng inspirasyon. Matapos ito ay iprinisenta na ang mga patimpalak na isinagawa sa Buwan ng Agham.  


Ang pagtatapos naman ng Buwan ng 

Agham ay nangyari noong ika-2 ng Oktubre, 2023. Dito ay pinarangalan ang mga nanalo sa patimpalak na Quiz Bee, Infographics at Poster Making. 


Para sa Infographics, ang mga nagwagi ay sina Jan Renee R. Dorliac (1st Place), Cezanne Jan R. Elizalde (2nd Place) at Jhassie Chim Celso (3rd Place). Ang mga unang nagwagi naman sa Poster Making ay sina Lara Chlowie D. Arellano ng baitang 7, Ellaijah M. Doroteo ng baitang 8 at Imaru D. Conta ng baitang 10. 

At ang mga nagkamit ng unang karangalan sa Quiz Bee ay sina John nathan F. Datuon ng baitang 7, Anthony Laros ng baitang 8, Cris Anjerica C. Tesara ng baitang 9 at Maria Asuncion Pacheco ng baitang 10.



    Isinulat ni: Nissel Claire Lehetemas

    Iniwasto ni: Prince Kelly Boloyos


Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!