BALITA: Take-Over Buhay Guro, Mga mag-aaral ang namumuno
Matagumpay na naisagawa noong ika-29 ng septyembre 2023 ang take over ng mga estudyante sa kanilang mga guro na nagmula sa baitang 7-10 sa iba't ibang asignatura bilang isang araw sa buhay ng isang guro. Sa Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez Integrated School.
Para sa pag tatala ng take over ng SSLG, mararanasan ang isang araw ang buhay ng guro at pagsubaybay ng mga guro sa mga mag-aaral na mabuti at kusang nag boluntaryo para sa pagsasagawa ng Take Over.
Saad ng Presidente ng SSLG, "Para mas maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang ginagawa ng mga guro para sa kanila at mapagtanto kung gaano kahirap na mapunta sa kanilang posisyon".
Iba't ibang mga mag-aaral ang nakaranas ng sitwasyon bilang isang guro at halo-halong emosyon ang mga nasaksihan o naramdaman nila.
Katulad na lamang ng isang estudyante na nag bigay ng isang emosyanal na mensahe na si Bb. Nissel Claire Lehetemas tungkol sakanyang napagdaanan bilang isang Student Teacher.
Saad niya "Masaya po siya kase na-experience ko po yung nararamdaman ng mga teacher kapag may mga students na nakikipag participate sa class nila"
Matapos ang take over ng mga mag-aaral bilang isang guro. Nakatanggap sila ng papuri at pasasalamat sakanilang mga guro sa kani-kanilang asignatura dahil sa katatagan at determinasyon na kanilang ipinakita.
Isinulat ni: Elsa Lara
Iniwasto ni: Lhean Lyn Bangcale
Comments
Post a Comment