BALITA: Ika-72 anibersaryo ng Parokya ng San Rafael Arkanghel, ipinagdiwang

           Dinaluhan ng ating punongguro na si Ginoong Amor P. Dugay kasama ng ilang mga guro, SSG, at mga piling mag-aaral ang Banal na Misa Mayor para sa pagdiriwang ng ika-72 anibersaryo ng Parokya ng San Rafael Arkanghel na ginanap nitong ika-29 ng Setyembre. 


Pormal na inumpisahan ang misa na may temang "Dalaw, Hilom, at Dasal" sa ganap na alas sais ng gabi na pinangunahan ng Chaplain ng Our Lady of Hope Mission Station na si Reb. Pd. Reginald Malicdem. 


Ibinahagi niya ang pagkakakilanlan ni San Rafael at ang kahulugan ng pangalan nito na "Lunas mula sa Diyos."


Bago matapos ang misa, nagpasalamat naman si Reb. Pd. Alexander Thomas sa pagdalo ng ating Konsehal Niño Dela Cruz at Konsehala Dra. Irma Alfonso. 


Binanggit niya rin ang mga nag-isponsor 

na nagmula sa lahat ng mga barangay, Sta. Krus Chapel, San Rafael Village Elementary School, San Rafael Parochial School, Parish Pastoral Council, Arsenio H. Lacson Elementary School, at Timoteo Paez Integrated School.


Sinundan pa ito ng masiglang pagtugtog ng mga miyembro ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng himno ni San Rafael habang inilalakad siya palabas ng simbahan. 


Sinubaybayan pa ng mga mamamayan ng Balut ang prusisyon ni San Rafael na isinagawa pagkatapos ng misa na sinimulan ng ganap na 7:30 ng gabi at natapos ng 10:00 ng gabi.



    Isinulat ni: Venice H. Castañeda

    Iniwasto ni: Lhean Lyn S. Bangcale


Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!