LATHALAIN: Arkanghel Rafael

    Nitong nagdaan na pandemya, halos lahat ng tao ay nawalan ng kausap at trabaho, kasabay nito ang pagkawala rin ng ating pag-asa. Ang kawalan ng bisyon sa magiging hinaharap ng ating buhay ang nagpaigting sa ating pananampalataya, lalo na sa tanang katoliko’t kristiyano. 


Ayon sa banal na kasulatan, may pitong arkanghel o pinuno ng mga anghel sa langit ngunit tatlo lamang anag pinangalan dito. Ito ay sina; Arkanghel Miguel na  inilarawan sa libro ni Daniel, Hudas at sa Pahayag bilang isang mandirigmang anghel na nakikipaglaban sa ispiritwal na labanan; Si Arkanghel Gabriel, isang mensaherong pingkakatiwalaan ng panginoong Diyos na magppadala ng mga mahahalagang mensahe sa mga tao, siya rin ang nagpakita kina Daniel, Zacarias at kay Birheng Maria:  At ang huli, si Arkanghel Rafael, ang Arkanghel na binanggit lamang sa Libro ni Tobit. 


Sino nga ba si Arkanghel Rafael?  


Si Arkanghel Rafael ay isa sa mga pinuno ng mga anghel ng diyos sa kalangitan. Ang kaniyang ngalan nga’y nangangahulugang “Ang Diyos ang kagalingan” o “Ang Diyos ang nagpapagaling”. Si Arkanghel Rafael ay nabanggit lamang sa aklat ni Tobit dahil na rin sa ginawa niya kay Tobit. 


Si Tobit, isang banal na Judio na ipinatapon sa Nineves sa Assyria ay sumunod sa tuntunin ng Heberyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng limos at paglilibing ng mga patay ngunit sa kabila ng mga pagsunod na ito, siya pa rin ay nabulag. 


Paano naman nagkaroon ng ugnayan si Tobit at si Arkanghel Rafael?


Unang nagpakita si Arkanghel Rafael bilang nagkukunwaring lalake na kasama sa paglalakbay ni Tobias, anak ni Tobit. Mababasa natin ito sa kabanata lima, talata apat hanggang walo. 


Sa mga sumunod na pangyayari, si Arkanghel Rafael ang tumulong kay Tobias sa pagpapalayas ng mga demonyo, mababasa rin natin ito sa parehong aklat, kabanta walo, talata isa hanggang tatlo.


Muli namang nakakita si Tobit sa pamamagitan ng apdo ng isda na siyang itinuro ni Arkanghel Rafael bilang gamot daw sa pagkabulag ng ama ni Tobias, mababasa natin ito sa parehong aklat, kabanta 11, talata 10 hanggang 14.


Sa libro ni Tobit, kabanata 12, talata 11 hanggang 15, sa wakas, ipinakilala na ni Arkanghel ang kaniyang sarili at sinabi kay Tobias na ipinadala niya ang panalangin ng pamilya sa harap ng Diyos at isinugo siya nito upang pagalingin sila.


Sa makatuwid, si Arkanghel ang sugo ng Diyos upang pagalingin si Tobit at siya rin ang isinugo ng Diyos upang samahan ang anak ni Tobit na si Tobias upang humanap ng gamot sa pagkabulag ni Tobit. 


Ang kwentong ito ang pagpapatunay kung bakit sa tuwing tayo ay hihingi ng kagalingan, isa si Arkanghel Rafael sa ating tinatawag. Nitong pandemya lamang, sa kaniya tayo madalas humiling ng tulong sa kahilingang pangkalusugan  sapagkat umaasa tayong tulad sa banal na kwento, siya rin ay nanaog sa atin upang tayo’y tulungan.


Ating tandaan, tulad ng mga anghel tayo rin ay matuto sanang mag akyat-manaog sa ating buhay.  Sabi nga ng pari sa misang aking dinaluhan sa kapistahan ng parokya ng San Rafael Arkanghel, “Kung marunong umakyat ay dapat ding marunong bumaba at ang nasa baba ay dapat ding matutong umakyat.” Nangangahulugan itong ang mga nasa taas ay hindi dapat nakakalimot bumaba at ang mga nasa baba ay hindi dapat hinahayaang nasa baba lamang.


Isinulat ni: Danielle Rose Zurita (10 - Bonifacio)

Sinuri ni: Lhean Lyn S. Bangcale (10 - Bonifacio)

Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!