Posts

Showing posts from January, 2023

ISPORT: TPIS volleyball, nakamit ang unang pwesto sa Distrito 1

   Nakuha ng mga kababaihang manlalaro ang unang pwesto mula sa paaralan ng Timoteo Paez Integrated School (TPIS) sa pandistritong palaro sa larangan ng volleyball na ginanap sa TPIS noong Enero 23.           Matibay ang laban sa pakikipagtagisan ng pagpalo ng bola ng bawat manlalaro laban sa Antonio J. Villegas Vocational High School (25-10, 25-14) at sa Dr. Juan G. Nolasco High School (23-25, 16-25)        Maigting na pag-eensayo at matinding hirap na pagsasanay ang natamo ng mga manlalaro bago ang araw ng laban.        Hindi man nila nakuha ang inaasam na maging kampeon, nagsilbing naman itong paraan upang ipagpatuloy pa ang kanilang naumpisahang karera.        Ang mga atletang naglaro ay sina Honey Jean Ligo, Jessica Mae Delan, Erin Mae Balane, Danela Losabia, Jade Edano, Elaisa Ferrer, Jacky Catalan, Jeianne Anonuevo, Jasmine Luna Montilla, Lucy Grace Deuda Princess Ibasco at Cyril Santo s sa patnubay ng kanilang coach na si Gng. Maria Cristina Martinez Coyoca . Isinulat ni Gra

LATHALAIN: Kaya pa ba?

          Dama mo rin ba ang lungkot, hirap, at masalimuot na hatid ng kaguluhan sa ating paligid? Madalas bang sumasagi sa iyong isip ang pagsuko at pagbitaw dala ng hindi matapos-tapos na suliranin? Huwag mangamba sapagkat ang sabi nga nila; "habang may buhay, may pag-asa."           Kung perpekto lang ang mundo, sana'y hindi tayo nagkakagulo, wala sanang bumabagabag sa atin bago tayo matulog. Ngunit, hindi mo ba naiisip? Sa pamamagitan ng mga pagsubok na dumarating ay kasabay naman nito ang paglago ng ating pananalig na ito'y malalagpasan din.           Hindi naman maiiwasan ang pagdating ng mga iba't ibang klase ng problema, wala naman tayong magagawa kun’di ang harapin ito at kumilos upang hindi na lumala pa. Magkaroon ka man ng mga pagkakataong tuliro na ang isip dahil sa pagkabigong nararamdaman, palaging tandaan na maaari pa rin namang lumaban.          Libre lang naman ang pag-asa, hindi mo na kinakailangan pang gumastos dito ng pera. Maaaring

LATHALAIN: Limitahan ang pagdepende, sagipin ang sarili

          Kasabay ng pag-usad ng oras ay ang lalong paglawak ng epektong hatid sa atin ng teknolohiya. Hindi maipagkakaila na ito'y isa sa mga mabisang paraan upang mas mapadali ang ating pamumuhay. Ngunit, sa kabila ng mga nakamamangha nitong tulong, inyo bang nababatid ang negatibong dulot nito?   Tunay ngang napakalaki ng kontribusyon ng teknolohiya sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, lalo na sa pagkatuto ng katulad kong mag-aaral. Nagagawa nitong mas maging kapana-panabik ang pagtuklas ng mga panibagong kaalaman.   Hindi mo na kinakailangan pang dumaan sa napakaraming libro para lang matagpuan ang hinahanap mo. Ang mga bagay na hindi lubusang maintindihan, tiyak na sa tulong nito ay agad na mauunawaan.   Talaga nga namang hindi na mabilang ang ambag nito sa ating lipunan, ngunit mainam din siguro kung ating tatalakayin ang mga hindi magandang epekto nito at kung paano mo sasagipin ang iyong sarili sa pagkalulong dito.   Nang dahil sa lubos nating pagdepende, tayo

PANITIKAN: Kabilang dagat

  Kaniyang pangungulila, sa isip ay tumutuligsa. Katabi'y banyaga, taon nang pagkawala.   Sa kabilang dagat, Pilipinong inaalat. Sa pakikipagsapalaran, may ibayong kahirapan.   Magandang bukas, nais niya sa wakas. Sakripisyo'y walang kupas, sa kahirapa'y makatakas.   Saan mang ibayo ng mundo, Pilipinong taas noo. Ipagmalaki nating buo. bagong bayani, 'yan ang totoo.       Isinulat ni Danielle Rose Zurita