PANITIKAN: Kabilang dagat

 

Kaniyang pangungulila,

sa isip ay tumutuligsa.

Katabi'y banyaga,

taon nang pagkawala.

 

Sa kabilang dagat,

Pilipinong inaalat.

Sa pakikipagsapalaran,

may ibayong kahirapan.

 

Magandang bukas,

nais niya sa wakas.

Sakripisyo'y walang kupas,

sa kahirapa'y makatakas.

 

Saan mang ibayo ng mundo,

Pilipinong taas noo.

Ipagmalaki nating buo.

bagong bayani, 'yan ang totoo.

 

 

 

Isinulat ni Danielle Rose Zurita

Comments

Popular posts from this blog

BALITA: GAD capability building, dinaluhan ng Teaching & Non-teaching Personnel

ISPORT: Atleta ng arnis, kampeon sa district meet