ISPORT: TPIS volleyball, nakamit ang unang pwesto sa Distrito 1

   Nakuha ng mga kababaihang manlalaro ang unang pwesto mula sa paaralan ng Timoteo Paez Integrated School (TPIS) sa pandistritong palaro sa larangan ng volleyball na ginanap sa TPIS noong Enero 23.


    
    Matibay ang laban sa pakikipagtagisan ng pagpalo ng bola ng bawat manlalaro laban sa Antonio J. Villegas Vocational High School (25-10, 25-14) at sa Dr. Juan G. Nolasco High School (23-25, 16-25)

 

    Maigting na pag-eensayo at matinding hirap na pagsasanay ang natamo ng mga manlalaro bago ang araw ng laban.

 

    Hindi man nila nakuha ang inaasam na maging kampeon, nagsilbing naman itong paraan upang ipagpatuloy pa ang kanilang naumpisahang karera.

 

    Ang mga atletang naglaro ay sina Honey Jean Ligo, Jessica Mae Delan, Erin Mae Balane, Danela Losabia, Jade Edano, Elaisa Ferrer, Jacky Catalan, Jeianne Anonuevo, Jasmine Luna Montilla, Lucy Grace Deuda Princess Ibasco at Cyril Santos sa patnubay ng kanilang coach na si Gng. Maria Cristina Martinez Coyoca.



Isinulat ni Graciel L. Balane


Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!