KOLUM: Saan na nga ba ito patungo?
Sa gitna ng lumalaking usapin sa pagtatayo ng mga resort sa loob ng Chocolate Hills, isang UNESCO Heritage Geopark sa Bohol, maraming mamamayan ang nagulat sa naturang pangyayari. Binigyang-diin ni Senator Christopher “Bong” Go na mahalagang mapalakas ang turismo ngunit dapat na sundin ang mga batas sa kapaligiran upang protektahan ang Natural Heritage sites sa bansa.
Ani pa ni Go, “Ako po’y nananawagan, kung kailangan nating imbestigahan ito, check nating mabuti. Importante po ang pagprotekta sa environment.” Idiniin din ng senador na “Balensehin po natin. Gusto natin ng turismo, ngunit protektahan muna ang kapaligiran.”
Binigyang halimbawa ni Go ang Boracay, kung saan ang kawalan ng pagsunod sa mga regulasyon sa kapaligiran ay humantong sa malaking pinsala sa ekolohiya. Diba? “Noong una, ‘yung Boracay, maganda. Pero hindi sinusunod ‘yung tamang environmental regulations. So, maraming na-violate. Nakita n’yo, ang dumi, kahit saan na lang ‘yung drainage, pinasara nang ilang buwan,” ayon sa senador.
Napalaking pagkakamali ang mga aksyon na hindi natin alam ang magiging resulta nito, kaya dapat ay inisip muna nila kung ano ang maaaring mangyari sa ating kalikasan. Ani rin muli ni Go na “ang implikasyon ng pagkasira ng kapaligiran, ay humahantong sa panganib ng mga natural na sakuna, tulad ng pagbaha, climate change at pagbabago ng geographic position ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire.
Bilang kabataan, masyado akong nakaramdam ng galit at inis dahil bakit nila ito nagawang gawin sa ating burol? Tila ba’y hindi nila naisip ang maaaring maging epekto at resulta nito sa ating kalikasan. Sabagay, kung titignan ay mga gahaman sila sa turismo at kayamanan na kanilang makukuha rito na kahit anong paliwanag ang inyong gawin tanging salapi lamang ang nasa kanilang isip. Sa tingin ba nila ay matutuwa ang mga Pilipino sa kanilang ginawa? Nakuha na yata nila ang sagot na nais nila.
Sana ay bilang mamamayan ay pahalagahan nila ang ating yamang lupa, dahil tayo-tayo lang din naman ang makikinabang dito.
Nawa’y maaksyunan ito ng ating pamahalaan at mapatigil na ang ganitong gawain, ugaliing maging mapanuri at isipin ang ating kalikasan dahil tayo rin ang mahihirapan. Maraming tanyag na lugar ngunit ganun pa rin ba?
Isinulat ni: Lhean Lyn S. Bangcale
Iginuhit ni: Imaru D. Conta
Comments
Post a Comment