BALITA: Pagdiriwang ng Buwan ng Araling Panlipunan, opisyal nang isinara
Opisyal nang isinara ang pagdiriwang ng Buwan ng Araling Panlipunan ngayong ika-7 ng Nobyembre na isinagawa sa Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez na may temang "International Year of Millets 2023."
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng mabuhay na pagbati ng mga tagapagdaloy na sina Binibining Rosalie Del Monte at Ginoong Alonzo Alcaide. Sinundan ito ng dasal at pag-awit ng lupang hinirang.
Pinangunahan ni Ginoong Rolan Ralloma, Curriculum Chairman ng baitang 10 at bilang head teacher sa Araling Panlipunan ang pagbibigay ng pambungad na pananalita.
Nagpasalamat din ang ating punongguro na si Ginoong Amor P. Dugay sa mga bumubuo at guro ng Departmento ng Araling Panlipunan upang maging posible at maisagawa nang maayos ang buwan ng araling panlipunan.
Sunod namang inanusyo ang mga lumahok na nagwagi sa mga patimpalak na Slogan Making Contest, Poster Making Contest, Essay Writing Contest, Cultural Dance, Infographics, Flag Identification, at UN Quiz Bee. Pinangunahan ng mga guro sa araling panlipunan ang paggawad ng mga sertipiko sa mga nagwagi at nagbigay rin ng sobre na naglalaman ng pera.
Lalong nagpasiklab naman ng hiyawan ang pagpapakilala at pag-aanunsyo ng mga lumahok sa Mr. & Ms. UN 2023. Nagwagi si Binibining Precious Olie Pacheco at Ginoong Euclid Aaron Jaucian bilang Mr. & Ms. United Nations 2023.
Nagpakitang gilas din ang mga lumahok at nagwaging mga mananayaw sa cultural dance na pare-parehong humataw ng sayaw na Waka Waka (This Time for Africa) na kanta ni Shakira.
Bago magtapos ang pagdiriwang ay nagsagawa rin ng parada para sa mga lumahok na mananayaw at mga representatibo ng Mr. & Ms. UN, gayundin ang mga nagwagi at mag-aaral sa baitang 10.
Isinulat ni: Lowell Sera Jose
Iniwasto ni: Lhean Lyn Bangcale
Comments
Post a Comment