BALITA: Opisyal na Pagbubukas ng Buwan ng Ingles, Inilunsad
Opisyal na binuksan ang Buwan ng Ingles nitong ika-8 ng Nobyembre taong kasalukuyan na ginanap sa Covered Court ng TPIS na may temang "Empowering Multi-Cultural and Gender-Diversed Learners."
Pormal itong sinimulan sa pag-awit ng pambansang awit at pananalangin. Matapos nito ay nagpakitang gilas naman ang Ritmo Dance Troupe sa kanilang galing sa pag-sayaw. Matapos ang kanilang pagtatanghal, dito na ipinahayag at pinakilala ang mga gaganapin na patimpalak.
Narito ang mga patimpalak na gaganapin sa Buwan ng Ingles: Language and Literature Trivia (Nob. 10, 13, 20, 2023) na pangungunahan ni Gng. Princess Ann R. Candelaria, Scrabble and Word Factory (Nob. 7-8,2023) na pangungunahan ni Bb. Judith C. Hayao, Essay Writing Contest (Nob. 7-8, 2023) na pangungunahan ni Bb. Mary Joy D. Billante, Reading Proficiency Test (Nob. 13, 2023) na pangungunahan ni Gng. Erlinda G. Medina, Spelling Bee (Nob. 14, 2033) na pangungunahan ni Gng. Roselle D. Alminar, Heroes and Villains (Eliminations) (Nob. 15, 2023) na pangungunahan ni G. Jereco A. De Vera, The Voice of English (Nob. 17, 2023) na pangungunahan ni Bb. Desiree Joy P. Alayon, Oratorical Contest (Nob. 17, 2023) na pangungunahan ni Gng. Joy S. Mendoza, Extemporaneous Speech (Nob. 23, 2023) na pangungunahan ni Bb. Elizabeth V. Bartolome, T. Paez Musicale (Nob. 24, 2023) na pangungunahan ni Bb. Consolacion S. Castillo at Campus Documentary (Nob. 27, 2023) na pangungunahan ni G. Ian Carlo Sumandi.
Bago magtapos ang kaganapan, nagpakitang gilas muna sa pagkanta ang studyante na si Kristina Angela G. Repol na mula sa 10 - Burgos. At para naman sa pagwawakas ay nagbigay ng pangwakas na pananalita si Bb. Princess Ann R. Candelaria, presidente ng Kagawaran ng English.
Isinulat ni: Nissel Claire Lehetemas
Iniwasto ni: Venice H. Castañe
Comments
Post a Comment