BALITA: Buwan ng ESP, opisyal nang binuksan
Opisyal nang bubuksan ang Buwan ng Edukasyon sa Pagpapakatao noong ika-14 ng Nobyembre sa Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez na may temang " Pagsasabuhay ng Kagandahan sa Pag-uugali, Gabay sa Pag-unlad ng Kalusugang Pangkaisipan Tungo sa Matatag na Pamumuhay."
Sinimulan ito sa pamamagitan ng masiglang pagbati ng tagapagdaloy na si Bb. Gellie Rose Ybañez na sinundan ng pagkanta ng pambansang awit at dasal.
Nagpakitang gilas din ang mga piling mag-aaral ng baitang 8 sa pamamagitan ng pagsasayaw.
Sunod namang inanunsyo ang mga patimpalak na maaaring salihan sa Buwan ng ESP. Maaari nang salihan ang Poster Making Contest, Essay Writing Contest, Bible Quiz Bee, Spoken Poetry, Photo Edukatao, at Tagisan ng Talino.
Bago matapos ang programa, nagbigay naman ng nakakainspirasyong mensahe ang punong-guro ng paaralang Paez si Ginoong Amor P. Dugay.
Isinulat ni: Venice Castañeda
Iniwasto ni: Lhean Lyn Bangcale
Comments
Post a Comment