Posts

Showing posts from November, 2023

SPORTS: T.P.I.S Isinilad ang titulo!

          Muling pinayuko ng Mag-aaral sa Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez kontra sa paaralang Antonio J. Villegas, 31-13 sa pandistritong palaro sa larangan ng Badminton noong Nobyembre 27, 2023 sa Sureshot Sportsville.            Umarangkada ang Paezian na si Joseph Jr. M. Tolleno ng baitang siyam sa Single-B match na kung saan ay una niyang pinabagsak ang mataas na Paaralang Gregorio Perfecto High School 31-13, matapos niyang wasakin ang Mataas na Paaralang AJVHS, siya ay anim na taon nang naglalaro nito.           Ayon sa kaniya, ang kaniyang dahilan o inspirasyon kung bakit siya nanalo ay ang kaniyang mga Pamilya, Kaibigan, at si God.           Habang ang tumayo naman niyang trainor ay si Ferdinand Tilano Mendoza Jr na kung saan siya ang dahilan kung bakit niya nasungkit ang kampeonato sa laban na iyon.            “We cannot become what we cant by remaining what we are.” Ani Tolleno.              Isinulat ni: Veronica Rose Creado           Iniwasto ni: Lhean Lyn Bangcale

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

          Pinatunayan ng Paezian ang kaniyang talento nang masungkit niya ang kampeonato sa pandistritong palaro ng Table Tennis, 3-0 & 3-1 sa Single D noong Nobyembre 23, 2023 na ginanap sa Mataas na Paaralang Gregorio Perfecto High School.            Nakamit ng Mag-aaral na si Tyrone Visaya ang kampeonato sa larangan ng Table tennis kontra sa Mataas na Paaralang Tondo High School at GPHS, si Visaya lang ang tanging nakasungkit ng kampeonato mula sa pitong manlalaro na lumahok mula sa T.P.I.S.           “The one who falls and gets up is stronger than the one who never tried. Do not fear failure but rather fear not trying. One man practicing sportsmanship is far better than a hundred teaching it. ” Pahayag niya.            Laking pasasalamat ni Visaya sa kaniyang Coach, Jherlyn Sadiasa Estrada at Glorie Lazaro Roxas dahil aniya, sila ang ang nag push sa kaniya upang makalahok siya sa patimpalak at maiuwi ang kampeonato para sa Paaralan, ganon din sa kaniyang mga Pamilya, Kaklase, a

BALITA: Buwan ng ESP, opisyal nang binuksan

            Opisyal nang bubuksan ang Buwan ng Edukasyon sa Pagpapakatao noong ika-14 ng Nobyembre sa Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez na may temang " Pagsasabuhay ng Kagandahan sa Pag-uugali, Gabay sa Pag-unlad ng Kalusugang Pangkaisipan Tungo sa Matatag na Pamumuhay."            Sinimulan ito sa pamamagitan ng masiglang pagbati ng tagapagdaloy na si Bb. Gellie Rose Ybañez na sinundan ng pagkanta ng pambansang awit at dasal.                  Nagpakitang gilas din ang mga piling mag-aaral ng baitang 8 sa pamamagitan ng pagsasayaw.            Sunod namang inanunsyo ang mga patimpalak na maaaring salihan sa Buwan ng ESP. Maaari nang salihan ang Poster Making Contest, Essay Writing Contest, Bible Quiz Bee, Spoken Poetry, Photo Edukatao, at Tagisan ng Talino.            Bago matapos ang programa, nagbigay naman ng nakakainspirasyong mensahe ang punong-guro ng paaralang Paez si Ginoong Amor P. Dugay.           Isinulat ni: Venice  Castañeda           Iniwasto ni: Lhean Lyn Ban

BALITA: Opisyal na Pagbubukas ng Buwan ng Ingles, Inilunsad

             Opisyal na binuksan ang Buwan ng  Ingles nitong ika-8 ng Nobyembre taong kasalukuyan na ginanap sa Covered Court ng TPIS na may temang "Empowering Multi-Cultural and Gender-Diversed Learners." Pormal itong sinimulan sa pag-awit ng pambansang awit at pananalangin. Matapos nito ay nagpakitang gilas naman ang Ritmo Dance Troupe sa kanilang galing sa pag-sayaw. Matapos ang kanilang pagtatanghal, dito na ipinahayag at pinakilala ang mga gaganapin na patimpalak. Narito ang mga patimpalak na gaganapin sa Buwan ng Ingles: Language and Literature Trivia (Nob. 10, 13, 20, 2023) na pangungunahan ni Gng. Princess Ann R. Candelaria, Scrabble and Word Factory (Nob. 7-8,2023) na pangungunahan ni Bb. Judith C. Hayao, Essay Writing Contest (Nob. 7-8, 2023) na pangungunahan ni Bb. Mary Joy D. Billante, Reading Proficiency Test (Nob. 13, 2023) na pangungunahan ni Gng. Erlinda G. Medina, Spelling Bee (Nob. 14, 2033) na pangungunahan ni Gng. Roselle D. Alminar, Heroes and Villains (E

BALITA: Pagdiriwang ng Buwan ng Araling Panlipunan, opisyal nang isinara

               Opisyal nang isinara ang pagdiriwang ng Buwan ng Araling Panlipunan ngayong ika-7 ng Nobyembre na isinagawa sa Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez na may temang "International Year of Millets 2023." Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng mabuhay na pagbati ng mga tagapagdaloy na sina Binibining Rosalie Del Monte at Ginoong Alonzo Alcaide. Sinundan ito ng dasal at pag-awit ng lupang hinirang.  Pinangunahan ni Ginoong Rolan Ralloma, Curriculum Chairman ng baitang 10 at bilang head teacher sa Araling Panlipunan ang pagbibigay ng pambungad na pananalita.  Nagpasalamat din ang ating punongguro na si Ginoong Amor P. Dugay sa mga bumubuo at guro ng Departmento ng Araling Panlipunan upang maging posible at maisagawa nang maayos ang buwan ng araling panlipunan.  Sunod namang inanusyo ang mga lumahok na nagwagi sa mga patimpalak na Slogan Making Contest, Poster Making Contest,  Essay Writing Contest, Cultural Dance, Infographics, Flag Identification, at UN Quiz Bee. P