LATHALAIN: Teknolohiya, Maganda nga ba ang Dulot?
Sa panahon ngayon, ang mundo ay puno na ng teknolohiya. Saan mang dako ay kadalasang mga taong pumipindot sa kanilang mga gadyet ang iyong makikita. Sa pamamagitan ng teknolohiya, hindi na rin limitado ang maaari mong gawin — halos lahat at mahahanap at magagawa mo na.
Noong nakaraang taon lamang ay mayroong nauso at naging usap-usapan ang mga tao kung saan isang software ang tumutulong upang lumikha ng sagot mula sa mga katanungan — ito ay ang artificial intelligence o mas kilala bilang ai.
Nakatutulong ang ai na ito sa mga tao, lalo na sa mga estudyanteng naghahanap ng tulong o ‘di kaya‘y kasagutan sa kanilang mga tanong at bumuo ng sanaysay.
Sa kabilang dako, mayroon ding hindi magandang naidudulot ang software na ito. Dahil dito, marami ang umaasa na lamang sa mga ito at hindi na ginagamit ang kanilang sariling kaisipan o utak upang gumawa ng kanilang mga gawain na siya sanang humahasa at humuhubog sa kanilang mga isipan.
Tandaan na hindi masama ang pagkuha ng ideya at paghingi o hanap ng tulong sa mga internet, ang masama ay kung aasa na lamang sa mga ito at hindi na gagamitin ang sariling kaalaman. Alalahanin din na kung mayroong nakukuhang benepisyo mula sa isang bagay ay huwag itong aabusuhin.
Isinulat ni: Axl Ross V. Ferrer
Iniwasto ni: Lhean Lyn S. Bangcale
Comments
Post a Comment