BALITA: Pagkilala sa mga School Based Organization

           Matagumpay na naisagawa ng mga paezians noong ika - 18 ng Oktubre ang pagkilala sa mga "School Based Organizations and Clubs" sa Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez.

Nagkaroon ng panunumpa ang bawat organisasyon sa paaralang Timoteo Paez na pinangunahan ng ating mahal na punong guro  na si Ginoong Amor P. Dugay. Pagkatapos ay nagbigay parangal ang bawat organisasyon kasama na rin ang curriculum chair ng bawat baitang.


Pinangunahan ng ating School Assitant Principal na si Ginoong Zacarias M. Bangayan ang pambungad na pananalita. Nagbigay rin ng mensaheng nagbibigay inspirasyon ang ating punong guro nang sa gayon malaman ng bawat organisasyon kung gaano kahalaga ang pagiging isang lider.

                                                                                                                                                                                  Nag gawad din ng sertipiko ang Youth Comea Commissioners at parangal dahil sa pagbibigay serbisyo noong eleksyon ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) binigyang parangal sina Ginoong Ronald Michael R. Quijano, Binibining Carren Joy P. Lazo, Ginoong Romeo O. Tan, at si Ginoong C. Ferrer. 

               

Upang ipahiwatig ang kahalagahan ng tungkulin ng isang pagiging lider sa ating paaralan at sa ating mga kamag aral, ng Presidente ng SSLG na si Binibining Angel Lyn Lacibal para sa pangako sa pamumuno. Samantalang para sa pang wakas na pananalita, nagsalita at nagbigay pahayag ang Curriculum ng Baitang 10 na si Ginoong Roland Ralloma.     

                  


    Isinulat ni: Ray Mark E. Talento

    Iniwasto ni: Lhean Lyn Bangcale


Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!