Ika-51 taong pagkatatag ng Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez, ipinagdiwang
Matagumpay na
ipinagdiwang ang ika-51 taong pagkakatatag ng Pinagsanib na Paaralang Timoteo
Paez (TPIS) na may temang: Kaagapay sa Matatag na Pagbangon ng
Pamayanan sa pangunguna ni G. Amor P. Dugay, punongguro sa Junior High
School katuwang si G. Zacharias M. Bangayan, punongguro sa Senior High School.
Dinaluhan din ito ng mga puno sa bawat kagawaran, mga guro, mga kawani, Alumni,
SPTA at mga panauhin. Ginanap ito sa covered
court ng TPIS noong ika-24 ng Agosto, 2023.
Hindi
matatawaran ang suporta mula sa mga panauhing dumalo at nagbigay-mensahe ukol
sa pagdiriwang gaya nina G. Ryan M. Aguinaldo (Gran Logia Nacional De Filipinas)
at Hon. Arnel Eustacio Angeles (Direktor ng MDRRMO).
Kabilang sa
programa ang pag-aalay ng mga bulaklak at halaman, muling pagsasariwa ng buhay
ni Timoteo Paez sa pamamagitan ng inihandang bidyo, pag-awit ng Himno ng
Timoteo Paez, pagpapakita ng natatanging bilang mula sa piling guro at pagbibigay
ng pampinid na pananalita ni Gng. Eileen Marie C. De Leon.
Bahagi ng
programa sa umaga ay pagkakaroon ng banal na misa sa pamumuno ni Rev. Fr.
Ferdinand Alapante, SVD mula sa San Rafael Parish sa pamumuno ng Kagawaran ng
Filipino.
Bago matapos,
ginawaran naman ng pasasalamat si Dr. Jeusuel Nonnatus N. de Luna, dating
dalubguro sa Departamento ng TLE at kasalukuyang punongguro sa Ramon Avenceña High
School.
Isinulat ni: Nissel D. Lehetemas (8-Aesop)
Sinuri ni: Rodalia S. De Veyra
Comments
Post a Comment