BALITA: Buwan ng Wika, matagumpay na nailunsad

Matagumpay na nailunsad ang Buwan ng Wika ng Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez mula Agosto 31 hanggang Setyembre 18 na may temang "Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan."


Sinimulan ang opisyal na pagbubukas ng buwan ng wika noong Agosto 31 sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga maaaring salihan na paligsahan para sa baitang 7 hanggang 10. 


Binuksan ang mga paligsahang Digital Poster making (baitang 7), Tugtog ngayon, Sayaw noon (baitang walo), Salin Awit (baitang siyam), at Wall Art Attack (baitang sampu). 


Inanusyo ng mga tagapagdaloy na sina Stephanie Rain Pastrana at Xedrick Muriel noong pagwawakas ng buwan ng wika ang mga mag-aaral sa bawat baitang at seksyon na nagwagi sa mga patimpalak.


Pinangunahan naman ng mga guro sa Kagawaran ng Filipino ang pagsasabit at pagbibigay ng mga medalya at sertipiko sa mga mag-aaral na nanalo sa apat na patimpalak.


Humataw din ang mga guro ng Kagawaran ng Filipino na nakasuot ng filipiniana, baro at saya kasama ang mga piling mag-aaral ng baitang 10 sa pangunguna ng Curriculum Chair ng baitang 9 na si Gng. Vilma B. Mojica. 


Natapos ang programa pagkatapos magbigay ng pangwakas na pananalita si Gng. Mojica.



    Isinulat ni: Venice H. Castañeda

    Iniwasto ni: Lhean Lyn S. Bangcale


Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!