BALITA: Pagkilala sa mga natatanging mag-aaral, iginawad ng TPIS
NATATANGING MAG-AARAL. Hinirang ang 10 mag-aaral mula sa baitang 10 bilang top 10 sa buong batch ng 2022-2023 noong ika-7 ng Hunyo, 2023 sa Timoteo Paez Integrated School. |
Matagumpay na naisagawa ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala at medalya sa lahat ng mga natatanging mag-aaral mula baitang 7 hanggang baitang 10 na nagpakita ng dedikasyon sa akademiko at iba’t ibang larang na kinabibilangan kasama ang kani-kanilang magulang kahapon ika-7 ng Hulyo, 2023 sa ganap na ala-7:00 ng umaga sa Covered Court ng Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez.
Emosyonal na sinariwa ng panauhing pandangal na si Bb. Janice Tabada ang pagbabalik-tanaw niya sa kaniyang alma mater na hindi niya inaasahan kahapon ay tatayo siya sa harap ng maraming mag-aaral upang magbigay ng inspirasyonal na mensahe gayong batay sa kaniya ay hindi siya ang pinakamagaling na mag-aaral noong kapanahunan niya ngunit binigyang-diin niya pa rin ang kahagalahan ng edukasyon at gaano nito binago ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng pagsusumikap at pagtanaw sa kaniyang pangarap para sa sarili, pamilya at higit sa lahat sa kaniyang mga anak.
Matapos ang inspirational message ni Bb. Tabada ay iginawad na ang mga medalya at sertipiko ng pagkilala mula sa mga special awards, with honors, high honors at highest honors na sinimulan mula sa baitang 7 hanggang 10 at Alternative Learning System (ALS).
Nagpakitang-gilas naman ang Ritmo Dance Group sa pagbibigay ng nakaiindak na intermission number handog para sa kanilang magulang at kapwa mag-aaral.
Susi sa matagumpay na aktibidad ang kahandaan sa pamamagitan ng pag-ensayo noong ika-6 ng Hulyo, 2023 sa ganap na alas-3:00 ng hapon sa nasabing lugar.
Hindi naman nagpahuli ang mga gurong tagapayo at guro sa iba’t ibang asignatura upang gawaran ang mga masisipag na mag-aaral kaya naman sinimulan din noong ika-6 ng Hulyo, 2023 ang pagbibigay-parangal sa mga mag-aaral sa kani-kanilang silid-aralan kasama ang asignaturang Pamamahayag sa Filipino.
Comments
Post a Comment