BALITA: Sulat-Bigkas sa Talumpati, matagumpay na naisagawa

Wagi sa Sulat-Bigkas sa Talumpati. Nakuha ang unang pwesto ni Ron Andrei M. Malajos mula sa Tondo High School noong HUnyo 9, 2023 sa Timoteo Paez Integrated School. Mahirap man ang pinagdaanang pagsasanay ay matagumpay namang naiuwi ang medalyang pinangarap.

 

Nasungkit ang unang pwesto ni G. Ron Andrei M. Malajos mula sa Tondo High School sa Paligsahan ng Sulat-Bigkas ng Talumpati sa Pandibisyong Tagisan ng Talento sa Filipino na ginanap sa Pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez noong ika-9 ng Hunyo, 2023 sa Conference Room matapos ang pandemya.

Dinaluhan ng dalawampu’t anim (26) ng mga piling mag-aaral na kinatawan ng iba’t ibang paaralan mula sa Districto 1 hanggang Distrito 6 ng Lungsod ng Maynila.

“Ang Edukasyon ay yamang hindi matutumbasan ng kung anumang bagay dito sa mundo” ani ni Malajos sa isang panayam na siguradong kapupulatan ng inspirasyon ng marami pang mag-aaral.

Dagdag pa niya, parang nabunutan siya ng kutsilyo sa puso dahil sa kaniyang pagkapanalo at inamin na nahirapan s'ya sa kaniyang pagsasanay at malapit nang mawalan ng pag-asa ngunit mas pinili niyang magpatuloy at maiuwi ang medalya.

Lahat ng mga kalahok ay talaga nga namang mahuhusay at nagpakitang gilas sa pagbigkas ng kani-kanilang mga piyesa ngunit hindi maiiwasang may isang aangat.

Sa patimpalak ay hindi palaging nananalo, pero ito ay isang magandang karanasan at magbibigay-aral sa sa lahat ng mga sumubok lumaban.


Narito ang talaan ng iba pang nagwagi at kanilang tagapagsanay:

1.       Ron Andrei M. Malajos – Tondo High School (Carlene Ignacio)

2.       Scent R. Zita – Pres. Corazon C. Aquino (Marco Apolonio)

3.       Arkin Yeshua B. Aznar – Manila Science High School (Mary Ann Natino)

4.       Russel Andrew G. Arata – Florentino Torres High School (Jomar Santos)

5.       Katrina Charisse E. Manaog – Manuel G. Araullo High School (Edralin Domingo)


Isinulat nina Ashlien Joy A. Vidana at Loraine Lopez

Sinuri ni Lhean Lyn Bangcale

Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!