PANITIKAN: Sukatan sa pagkatao, mataas na grado

Akademikong balidasyon,

hanap ng mag-aaral ngayon.

Papuri't parangal,

bilang kumpirmasyon.

 

 Mataas na grado,

sukatan nga ba ng pagkatao?

Pag-unawa at pagsasabuhay sa aralin,

upang makamit ang mithiin.

 

Akademikong balidasyon,

'wag gawing desisyon.

Adhikain ay pakaisipin,

tagumpay sa gawain.

 

 Akademikong validasyon,

huwag gawing pangunahin.

Edukasyon ay di lang sa marka,

paglinang ng sarili at ugnayan sa kapwa’y mahalaga.



Isinulat ni Lhean Lyn S. Bangcale


Comments

Popular posts from this blog

BALITA: GAD capability building, dinaluhan ng Teaching & Non-teaching Personnel

ISPORT: Atleta ng arnis, kampeon sa district meet