LATHALAIN: Pinakamagandang dilag sa kalawakan
Photo credit: https://news.abs-cbn.com/life/05/13/23/michelle-dee-of-makati-is-new-miss-universe-philippines |
Sa dinamirami ng magagandang dilag sa Pilipinas, isa lamang ang nagwawagi at itinatalaga upang katawanin ang Pilipinas sa pinakaprehisteryosong paligsahan ng magagandang dilag sa buong kalawakan o mas kilala ng lahat bilang Miss Universe pageant.
Noong ika-13 ng Mayo taong kasalukuyan ginanap ang ikaapat na edisyon ng Miss Universe Philippines sa Mall of Asia Arena. Tatlumpu’t walong dilag ang naglaban-laban para sa korona ngunit isa lamang ang nagwagi sa gabing iyon.
Ang paligsahan ay may iba’t ibang bahagi, ang swimsuit competition, evening gown competition at question and answer portion.
Nagkaroon ng mga special awards bago itanghal ang mga nanalo nang gabing iyon at nasungkit nga ni Miss Eastern Samar, Airissh Ramos ang Best in National Costume na ginanap noong preliminary round, Best in swimsuit naman si Miss Baguio, Krishnah Marie Garvidez at Best in Long Gown ay nakuha ni Miss Makati, Michelle Dee.
Nagwagi ng titulo sina Miss Bohol, Paulin Amelinckx bilang Miss Supranational at Miss Baguio, Krishnah Mariee Galvidez bilang Miss Charm Philippine.
Itinanghal naman bilang 2nd runner-up si Miss Pampanga, Mary Angelique Manto, 1st runner-up, Miss Zambales, Christine Juliane at ang kinoronahan ng dating Miss Universe Philippines 2022, Celeste Cortesi ay walang iba kung ‘di ang repeater candidate na si Miss Makati, Michelle Dee.
Si Bb. Dee ay anak ng dating Miss International 1979 at pinsan ng Reina Hispanoamericana 2017 na si Terisita Marquez (Winwyn Marquez).
Makailang beses sumubok siyang sumali sa mga beauty pageants upang katawanin ang Pilipinas sa mga international pageant. Una siyang sumabak sa Miss World Philippines noong taong 2019 at siya ay nagwagi’t nagkaroon ng tyansang ilaban ang Pilipinas sa Miss World 2019 kung saan umabot lamang siya ng top 12.
Nagwagi rin siya sa Miss Universe Philippines 2022 kung saan kinoronahan siya bilang Miss Universe Tourism 2022. Hindi nawalan ng pag-asa na masungkit ang pinakaaasam na korona kaya sumubok muli at ‘di naman nabigo ang dalangin niya, siya nagwagi at muling ilalaban ang Pilipinas sa isang international pageant, sa Miss Universe ngayong taon sa El Salvador.
Ang pagiging isang Beauty Queen ay hindi lamang ganda at talino ang mayroon kung 'di pati na rin matabang puso. Malapit sa puso ng ating Miss Universe Philippines 2023 ang mga taong may Autism o kapansanang sanhi ng problema sa isip ng isang tao.
Isa nga sa adbbokasiya ni Dee ang Autism awareness, acceptance at inclusivity sa kadahilanang ang kaniyang dalawang kapatid ay kabilang sa mga taong may kapansanang ito, sina Adam Lawyer at Mazen Marquez.
Masigasig niyang itinaguyod ang kaniyang adbokasiya kahit hindi pa siya isang beauty queen, sinimulan niya ito noong siya ay labing-anim na taong gulang pa lamang siya.
Ang kwento ni Michelle Dee ay isang paalala sa lahat ng dilag na nangangarap na ang isang tunay na beauty queen ay kailangan magtaglay sila ng may tiyaga, determinasyon at adbokasiyang bukal sa kaniyang puso.
Ilang taon na rin nang huling masungkit ng Pilipinas ang korona sa prehisteryosong beauty pageant na inaasam-asam ng lahat ng dalagang maiuwi ang korona kaya nina Gloria Diaz, Miss Universe 1969, Margie Moran Miss Universe 1973, Pia Wurtzbach Miss Universe 2015 at Catriona Gray 2018.
Umaasa ang lahat ng tagasuporta ng dalaga na maiuuwi ang ikalimang Miss Universe crown.
Sa ngayon, ang kasagutan ay nanatiling blanko ngunit iisa lamang ang natitiyak ko, ang laban ng Miss Universe Philippines 2023 ay ‘di pa nagwawakas, ika nga niya “#DeePaTapos” ang laban.
Isinulat ni Danielle Rose Zurita
Comments
Post a Comment