ISPORTS: Pinoy athletes, bumida sa SEA games 2023



Nagkamit ng kabuuang 260 na medalya ang Pilipinas at kasalukuyang pumangatlo sa talahanayan ng medalya sa idinaos na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia ngayong 2023.

Humakot ng 58 na ginto, 86 na pilak, at 116 na tanso ang Pilipinas na may kabuuang 260 na medalya ang nasungkit ng mga atletang pinoy sa nasabing torneyo.

 

BASKETBALL

Gilas Pilipinas nagpasiklab sa basketball nang maiuwi nila ang gintong medalya matapos mapabagsak ang Cambodia, 80-69 sa Morodok Techo National Stadium at Phnom Penh nong Mayo 16, 2023.

Ang mga manlalarong pinoy ay umiwas sa pagtatangka na ginawa ng kabilang koponan bunga nito, napanatili nila ang kanilang kalamangan sa ikatlo at huling kwarter kaya sila ay nagtagumpay na mabawi ang kanilang trono bilang Southeastern Games men's basketball champions.

"I always had confidence in this team. They're united and they stuck together. You can see the results, they speak for themselves," pahayag ni head coach Chot Reyes.

"I'm just so proud of what we've done. We came here for the gold medal and we've done it,” patuloy niya.

 

POLE VAUL

Ej Obiena, bumida sa Asian pole vault king nang masungkit niya ang ikatlong sunod na gintong medalya sa Southeast Asian Games ngayong 2023.

Ang Filipino pole vaulter na si Ernest John Obiena ay tatlong beses nang naging kampeon sa SEA Games, napanatili niya ang kaniyang trono na nagtakda ng bagong record na 5.65m noong Mayo 9, 2023 sa Morodok Techo National Stadium sa Phnom Penh, Cambodia.

Sinalubong ni Obiena ang malakas na ulan at bugso ng hangin sa idinaos na SEA Games men's pole vault ngunit hindi ito naging sapat para siya ay magpatinag nang basagin niya ang kaniyang dating marka sa pamamagitan ng paglinis ng 5.50m. Pagkatapos ay sinira ito ng tatlong beses sa clearance sa 5.55m, 5.60m, at sa wakas, 5.65m kahit sino ay hindi inaasahan na ganito ang mangyayari sa ilalim ng mahirap na kondisyon.

Sa kaniyang unang bar, inalis ni Obiena ang 5.20 metro na dalawang pagtatangka. Gayunpaman, nahulog ang bar sa kabila ng pagprotesta ni Obiena na hindi niya ito hinawakan.

Nasira ang kaniyang marka na 5.46 na itinakda niya noong 2022 sa Vietnam, nalampasan niya ang 5.65 sa kabila ng pagkaantala ng ulan ng tumagal ng mahigit isang oras.

“What a way to start my outdoor season,” pahayag ni Obiena. “Just as I've said, I came here to win and it's not my first time to compete in the rain. We don't like it, but it happens,” Aniya.

GYMNASTICS

Muling pinarangalan sa Pilipinas ang gintong medalya na napagtagumpayan ni Carlos Yulo sa men’s parallel bars sa 2023 Southeast Asian Game na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia nitong 16-14 ng Mayo.

Nang siya’y tanungin ukol sa pakiramdam sa pagkapanalo, ito ang kaniyang sagot ay “syempre po sobrang saya po, gusto ko po magpasalamat sa Panginoon sa pagbibigay ng talento at di niya kami pinabayaan ngayon sa competition na ‘to, Sobrang saya ko po kasi 2 weeks lang yung preparation ko para makumpleto yung mga gagawn ko and nakumpleto ko naman po siya ngayon kaya super grateful po”.

Maraming tao ang humanga at ginawang inspirasyon si Carlos Yulo Upang magpatuloy at lumaban sa SEA Games tulad na lamang ng PH men’s gymnastics team.

 

 BOXING

Isang karangalan sa mga Pilipino ang pagsungkit ng gintong medalya sa boxing nina Carlo Paalam at Paul Julyfer Bacson sa men’s boxing at Nesthy Alcayde Petecio ng women’s boxing sa 2023 Southeast Asian Game na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia nitong 16-14 ng Mayo.

Itinumba ni Paul Bacson ang finalist na si Rujakran Juntrong ng Thailand at pareho kay Carlo Paalam na si Aldom Suguro ng Indonesia at kay Nesthy Petecio na si Ratna Sari Devi ng Indonesia sa SEA Games 2023.

Ang sagot ni Paalam sa tanong na kung siya ba ay masaya sa kaniyang performance, “sobrang saya po kasi nalaro ko po kahit malaki sila nandoon pa rin po ‘yung kumpyansa at liksi t’yaka matalino sa taas ng ring”.

Wala pa ring pahayag sina Paul Bacson at Nesthy Petecio ukol sa kanilang laro.

 

 

Isinulat ni Veronica Rose R. Creado at Jahn Andrew Xedrick G. Muriel

 



Comments

Popular posts from this blog

BALITA: GAD capability building, dinaluhan ng Teaching & Non-teaching Personnel

ISPORT: Atleta ng arnis, kampeon sa district meet