EDITORYAL: Hindi masamang ipagmalaki, piliin lang

Hinihikayat ng Department of Education (DepEd) na iwasan ng mga magulang o kaanak ang pagsasapubliko ng mga report card, Identification card, certificate of recognition na naglalaman ng mga pribadong pagkakakilanlan ng indibidwal na makikitaan ng pirma. Nararapat lamang na ipagmalaki subalit dapat isiping ang mga impormasyong kanilang ibinabahagi ay maaring gamitin ng ibang tao sa hindi magandang pammaraan.

Alam niyo ba ang batas na Republic Act 10173 o Data Privacy Act?

Ito ay batas na nagbibigay ng proteksyon sa bawat indibidwal ukol sa mga taong nagnanakaw ng identidad ng isa pang indibidwal. Ang sinumang lalabag dito ay makukulong ng anim na buwan at magmumulta ng limang milyong pisong halaga.

Ang report card ng isang mag-aaral ay naglalaman ng Learner Reference Number (LRN) kung saan nakalagay ang record niya sa kaniyang paaralan maging ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kaniya, gaya ng petsa ng kapanganakan, tirahan, pangalan ng magulang atbp.

Isiping baka magpanggap na kamag-anak ng bata at gamitin ang mga impormasyon ng inyong mga anak, paano na ang kanilang kaligtasan?

Pinaaalalahanan ng Privacy Act na maging maingat sa pagpo-post lalo na sa social media accounts ng mga personal na pagkakakilanlan maging ang mga dokumento na naglalaman ng inyong mga pirma o ng ibang tao na maaaring gamitin ng mga masasamang loob.

Dapat din isiping ang pagmamalaki sa mga bagay ay nararapat lamang napag-isipang ding mabuti dahil hindi natin alam kung ano ang pakay ng bawat taong nasa paligid natin.

 

Isinulat ni Loraine Lopez


Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!