BALITA: YWCA Leadership Training, dinaluhan ng mga piling mag-aaral

Dinaluhan ng mga miyembrong mag-aaral ng Young Women's Club Association (YWCA) ang Leadership Training sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) nitong ika-20 ng Mayo taong 2023 sa pangunguna ng kanilang tagapayo na si Bb. Ma. Theresa Ignacio katuwang ang katagapayo na si Bb. Ana Liza C. Pastrana at student teacher na si G. Jeremy Desabille ang nasabing organization.

Mahigit siyamnapung (90) mag-aaral ang dumalo mula sa baitang 7 at 10, nagsimula ang programa sa ganap na alas-8:00 ng umaga at natapos ng alas-5:00 ng hapon. Sa pagsisimula ng programa ay nag-iwan ng mensahe ang punongguro na si Mr. Sonny D. Valenzuela sa pamamagitan ng recorded video dahil wala ito sa paaralan ng araw na iyon.

  Tinalakay ni Bb. Pastrana ang mga kaalaman ukol sa pagiging lider at may mga nakahandang team building na aktibidad na susubok sa kapasidad, paninindigan at resposibilidad na dapat gampanan ng isang namumuno.

  Napagod man ang lahat, kapalit naman ito ay karanasang babaunin ng mga future leader ng TPIS, hindi madali at biro ang gampanin ng pagiging leader.

  Sa pamamagitan nito ay mahuhubog ang pakikipagkapwa-tao ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga taong makikilala mo sa paghubog ng iyong tungkulin.



Isinulat ni Ashlien Joy A. Vidaña

Comments

Popular posts from this blog

BALITA: GAD capability building, dinaluhan ng Teaching & Non-teaching Personnel

ISPORT: Atleta ng arnis, kampeon sa district meet