BALITA: Sustainable development goals, isinusulong!

 

T. PAEZ, HANDA NA BA KAYO? Dinayo ng mga hapon ang paaralang T.Paez upang umpisahan ang paparating na Japan and Philippines Intercontinental Exchange 2023, ngayong Hunyo. Photo credit: Hanieley Banaag.


Matagumpay na naidaos ang pulong tungkol sa Sustainable Development Goals (SDG) kasama ang mga panauhing dalubguro mula sa Japan at punongguro ng Timoteo Paez Integrated School (TPIS) noong ika-26 ng Mayo taong kasalukuyan sa ganap na alas-4:00 ng hapon sa Conference Room ng paaralan, ito ay upang masimulan ang Japan and Philippines Intercontinetal Exchange 2023.

Layunin ng proyektong ito ang malalim na ugnayan at pag-unawa ng kultura, pandaigdigang pagkamamamayan at pagtutulungan sa pagkatuto sa mga mag-araal ng parehong henerasyon sa dalawang bansang sangkot sa pulong.

Ang mga panauhing kasama ni G. Sonny D. Valenzuela, kasalukuyang punongguro ng TPIS ay sina G. Yasuhiro Uto, G. Toshihiro Hagashi, at G.  Toshihiro Ueda na mula sa bansang Japan.

Katuwang ng punongguro sa mainit na pagtanggap at paghahanda ng programa ang lahat ng puno ng kagawaran, dalubguro, guro, at mga mag-aaral naman na naghandog ng sayaw.

 

Isinulat nina Nissel Claire Lehetemas at Lowell Ryzeen Sera Jose

Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!