BALITA: Mag-aaral ng TPIS, wagi sa mga patimpalak ng YMCA

 Nagwagi ang ilan sa mga piling mag-aaral ng Timoteo Paez Integrated School sa isinagawang Local Academic Olympics ng YMCA na may temang "YMCA Achieving it's Optimal Wellness through Spirit, Mind and Body" na ginanap sa Manila Downtown YMCA noong ika-18, Marso 2023.  


Pasok ang ilang mag-aaral sa ikasampung baitang na sina G. Stephen Ray C. Pastrana na nagtamo ng ikatlong pwesto sa Quiz Bee, at Bb. Michaela Miel N. Igoy ay nagkamit ng unang pwesto sa Extemporaneous Speaking Contest na parehong mula sa pangkat Atienza. 


Si Bb. Pauline Madison Dela Rosa mula naman sa pangkat Bagatsing ay nanalo ng ikalawang pwesto ng Oratorical Speech Contest.


Binigyan ng parangal ni G. Ronald P. Ralloma kasalukuyang Puno ng Kagawaran ng Araling Panlipunan sa mga mag-aaral na nanalo sa patimpalak noong Mayo 20, 2023.


Sinalihan ng T. Paez ang lahat ng pitong patimpalak ng YMCA, ang mga bata ay sinanay ng mga dalubhasang guro mula sa iba't ibang kagawaran. 


Ang mga nilahukang paligsahan ay ang Quiz Bee, Bible Quiz Bee, On The Spot Drawing Contest, Essay Writing Contest, Pagsulat ng Sanaysay, Oratorical, at Extemporaneous Speaking.



Isinulat ni: Angela Mae B. Mojica


Comments

Popular posts from this blog

BALITA: GAD capability building, dinaluhan ng Teaching & Non-teaching Personnel

ISPORT: Atleta ng arnis, kampeon sa district meet