BALITA: Staffers ng TPIS, wagi sa DSPC 2023
Nanalangin ang mga mag-aaral na kalahok sa Division School Press Conference na ginanap sa Manila High School noong ika-13 ng Mayo, 2023. Photo Credit: JASHS
Nagkamit ng tatlong (3) karangalan sa Division School Press Conference (DSPC) 2023 ang mga mag-aaral ng Timoteo Paez Integrated School (TPIS) ngayong buwan ng Mayo 12, 13 at 20, 2023 na ginanap sa Jose Abad Santos High School (JASHS) at Manila High School (MHS).
Kinilala ang 3 Paezians na sina Ashlien
Vidaña mula sa Baitang 10-Atienza na nagkamit ng ika-siyam na pwesto sa
pagsulat ng balitang pang-agham; Jazper Belmonte mula sa Baitang 9-Abueva na
nakuha ang ikaapat na pwesto sa Column Writing, at Angela Mae Mojica mula rin
sa Baitang 10-Atienza na nasungkit ang unang pwesto sa pagkuha ng
larawan.
Nag-umpisa ang patimpalak sa pamamagitan ng
pagbubukas ng maikling programa at pagbibigay ng mga mensahe ng punongguro,
superbisor, organizer gayundin ang panunumpa ng mga mamamahayag at
pagpapakilala sa mga hurado ng bawat kategorya bago maganap ang contest proper.
Samantalang inihalal naman sina Lhean Lyn
Bangcale, Baitang 9-Abueva bilang Ingat-yaman at John Paul Ralloma, Baitang 8-Dagohoy
bilang Business Manager ng Division Editors Guild ng buong Maynila
noong Mayo 13 sa MHS.
Sa likod ng tagumpay ng lahat ng mga pambato
ng TPIS ang mga tagapagsanay sa mag-aaral ay sina Bb. Rodalia De Veyra ng Ang
Pahatid at Bb. Maryjoy Billante ng T.Paez Echo.
Sa darating naman na Hunyo 6-7 ay dadalo
bilang representative ng Dibisyon ng Maynila si Mojica sa gaganaping Regional School Press Conference (RSPC) sa Pasig.
Isinulat ni Venice H.
Castañeda
Comments
Post a Comment