EDITORYAL: Extended pa, rehistrasyon ng simcards
Photo credit: https://newsinfo.inquirer.net/1754455/dict-only-36-79-percent-registered-sims-as-of-april-7 |
Extended pa, rehistrasyon ng simcards
Naka-register na ba ang sim card mo?
Ito ang
tanong sa ipinasa na batas ng senado ukol sa subscriber identity module (SIM)
ng Republic Act No. 11934 o “an act requiring the registration of all users of
prepaid subscriber identity module (SIM) cards” o mas kilala sa “SIM
Registration Act” para labanan ang lumalaganap na scam at kung ano pang
mga masamang gawain gamit ang sim card number.
Samantala,
may mga ibang organisasyon at indibidwal pa rin ang patuloy na nagpahayag ng
kanilang saloobin at pagkabahala ukol sa kanilang pribado at seguridad ng
numero lalo pa't sa pagpaparehistro ay kakailanganing magbigay ng personal na
impormasyon.
Ayon naman
sa pahayag ng privacy international, ang "Sim Registration
Act" ay hindi naging maganda ang epekto sa pagpapabawas ng krimen bagkus
ito ay mas lumala pa sa pamamagitan ng online transactions.
Ang ilan sa
mga bansa na nagpatupad ng batas na ito ay nagkaroon pa ng pagtaas ng mga
krimen kaugnay na ang identity theft at paglitawan ng mga tinatawag na black
market na nagserserbisyo sa mga nagnanais na manatiling itago ang
pagkakakilanlan.
Ngunit, kung
sino man ang hindi susunod sa itinakdang panahon at mga pamantayan ng
pagpaparehistro ay magmumulta, mapuputulan o madi-deactivate ang simcard
at hindi na muling magagamit pa. Ito Ang parusang ipapataw ng National
Telecommunications Commission (NTC) sa mga Hindi makakasunod sa Pamantayan.
Maraming
umapila sa parusang ito sapagkat hindi naman lahat ng mamamayan ay may
identification card o ID ng pamahalaan at may maganda o pirming kalidad na access
ng Internet upang makapagparehistro.
Gayunpaman,
patuloy pa rin ang pagpapalawig ng pamahalaan sa batas na ito. Kasabay nito ang
pagkalap ng datos na inilabas ng Department of Information and Communications
Technology (DICT) kung ilan na nga ba at kung ano pa ang dahilan kung bakit
marami pa ang hindi nakapagpaparehistro upang ito'y maaksyunan at maagapan.
Sa puntong
ito, iba’t ibang komento ang inihayag ng bawat isa, ang iba ay nangangamba pa
rin dahil sa kakulangan ng requirements at hindi maayos ang sistema o hakbang na
gagawin.
Marami
namang natuwa at sumang-ayon sa bagong batas na ito sapagkat napapanahon nga
naman ang pagdami ng mga scammer at ilegal na aktibidad na nangyayari
gamit ang iba’t ibang numero para sa transakyon nila sa online banking o
sa iba pang aplikasyon sa pagpapadala ng pera.
Tunay na isa
ito sa mga problemang dapat agapan upang maiwasan at mabawasan ang mga krimen,
panloloko at iba pang ilegal na gawain na nangyayari gamit ang personal na
numero.
Pahayag
naman muli ng NTC, huwag mangamba ang mamamayan dahil makasisiguro ang mga subscriber
na ligtas at hindi ito gagamitin sa mga kung ano-anong aktibidad. Ang Anumang
impormasyon sa dokumento ng rehistrasyon ay lubos na kompidensiyal o lihim
maliban kung pinahintulutan ng subscriber sa pamamagitan ng pagsulat na
makuha ito.
Hindi rin
naman agad matatanggal ng mga mobile user ang kanilang mga agam-agam o
kanilang pagkabahala ukol sa batas na ipinatupad ngunit pahayag naman ng
pamahalaan na mas makakabuti na makinig at sumunod sa pamantayan na batas at
makapagparehistro sa takdang panahon.
Ang mga
krimen na nangyayari gamit ang personal na numero sa iba’t ibang telecom ay
dumarami matapos ang pagpaparehistro. Usapin pa ang inside job na
tinatawag ng ilan dahil na nababawasan ang kanilang savings sa mga online
banking application na ginagamit nila kahit hindi nila ito ginawa.
Kung inyong
matatandaan, nakaraang buwan ay naging mainit ang balita ukol sa GCash
Application na bigla na lamang nawawala ang kanilang pera at may biglang
naipapadala ito sa hindi kilalang numero.
Gaano nga ba
kaligtas ang pagpaparehistro ng mga numero na ginagamit natin? Ang pagbibigay
ng mga personal na impormasyon at pag-upload ng government ID’s,
ligtas ba talaga itong maitatago ng mga nagmomonitor ng registration platform
sa iba’t ibang telecom?
Kung magiging matagumpay na ang lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakapagrehistro na, makatitiyak na ba ang pamahalaan na mababawasan ang krimen sa bansa o para lang maipakita sa ibang bansa na kunyari may iisang sistema ang Pilipinas gaya ng ibang bansa?…na umuunlad tayo?
Isinulat ni Maureen Louise B. Cabanalan
Comments
Post a Comment