BALITA: Paezians, Meet and Greet si Mayora

(Ang larawan ay nanggaling sa Manila Public Information Office FB page: https://tinyurl.com/5xap7j5h)

Lungsod ng MAYNILA, Marso 16, 2023 – Nagtipon ang mga piling mag-aaral at mga guro mula sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) sa Manila City Hall para magbigay-pugay sa City Mayor na si Dr. Honey Lacuna noong ika-16 ng Marso 2023.

           Ang pagbisita sa nasabing bulwagan ay ginanap upang magbigay ng pag-uulat sa alkalde tungkol sa naganap na Thailand Inventors Day and Bangkok International Intellectual Property Invention, Innovation and Technology Exposition (IPITEX) noong ika-2 hanggang ika-6 ng Pebrero ngayong taon, kung saan nagtamo ng dalawampu’t isang (21) parangal ang Pilipinas mula sa Manila Young Inventors Association (MYIA), Filipino Inventor Society Inc. (FIS), at ang TPIS.

        Pinaunlakan ang imbitasyon ni G. Sonny D. Valenzuela, punongguro ng nasabing paaralan at kasalukuyang pangulo ng MYIA ang paanyaya mula sa tanggapan ng alkalde.

Kasama rito ang mga mag-aaral imbentor at nagwagi sa IPITEX at piling guro mula sa nasabing paaralan; Angela Mae B. Mojica, (Baitang 10) at Bb. Marisol Payra, guro sa Information & Communications Technology sa Senior High School para sa proyektong E-frontliner Bluetooth Controlled Assistant Robot.

Sina Stephen Ray C. Pastrana (Baitang 10), John Paul S. Ralloma (Baitang 8), at Gng. Socorro O. Lozano (Teacher III) naman ay sa proyektong Hair Plastic Block- Paving Block using Human Waste and Plastic as Aggregates.

Isang Breathing Assistant Mechanical Ventilator naman ang proyekto nina Marian Ashley S.J. Cabrera, at Aijie S. Gado (Baitang 7) at Gng. Editha P. Gamboa (Teacher I).

Kabilang din sa pagpupulong sina G. William Chua, FIS Director para sa proyektong Manila Block, Atty. Antonio C. Casangkapan, OIC-School Division Superintendent, Bb. Merie Girlie V. Capiral, Education Program Supervisor at Dr. Roland L. Dela Cruz, pangulo ng MAPSSA. 


Isinulat ni: Angela Mae B. Mojica

Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!