ISPORTS: ML, Paezian kontra Paezian

    Hinirang bilang bagong kampeon ang pangkat 7-Aguilar, 8-Gomez, 9-Buenaventura, 10-Estrada, at SHS Gas-E sa larong onlayn na Mobile legends sa ginanap na MAPEH Intramurals noong Marso 13, 2023.

    Nagtamo ang 7-Aguilar ng iskor na 3-0 laban sa 7-Velasco, 8-Gomez, 3-0 laban naman sa 8-Dizon at 9-Buenaventura, 3-0 kontra 9-Amorsolo habang ang 10-Estrada ay naligtasan ang 10-Guinto na may iskor naman na 3-2 at 11-Gas-E 12-Ict-A, 3-0.

    Ginawa ang aktibidad na ito para malaman ang kasanayan ng bawat mag-aaral sa larangan ng larong onlayn na ML at magkaroon ng mga bagong atleta sa hinaharap.

    Pinarangalan sila ng medalya at sertipiko noong Marso 20, 2023 sa pinagsanib na Paaralang Timoteo Paez kasabay ang iba pang mga naghari sa iba't ibang aktibidad.

    Ang mga nagsilbing grand finals shout caster ay mga alumni na sina Jake Vincent T. Barnachea at Francis Tacut.

    Samantala, ang tagapag-ugnay naman sa nasabing patimpalak ay si G. John Benedict Ibañez.

 

 

Isinulat ni Veronica Rose R. Creado


Comments

Popular posts from this blog

BALITA: GAD capability building, dinaluhan ng Teaching & Non-teaching Personnel

ISPORT: Atleta ng arnis, kampeon sa district meet