KOLUM: Abot-kamay nga ang pangarap?

Bilang isang mag-aaral na may mga pangarap at mithiin sa hinaharap, sa kabila ng pagsusumikap sa pag-abot nito ay may posibilidad na masiraan siya ng loob kung ang mga taong pinakamalapit at pinakmamahal mo sa buhay ang siyang humahadlang sa pagkamit nito. 

             Nakalulungkot di ba? Nagsusumikap ka pero walang nakaka-appreciate nito.

Ito ang katotohanan na kanilang kinakaharap ng mga mag-aaral na hindi nabibigyan ng pagkakataong marinig ang kanilang pangarap.

Buo ang desisyon ko na balang-araw ay magiging doktor ako, malayo man ang bubunuin sa pag-aaral, pinansyal na kakailanganin sa tuition fee at iba pa ngunit sa kanila nito ay hindi sang-ayon ang aking mga magulang sa pangarap ko… 

Sabi nila, pag-aaksaya ng oras at hindi isang tunay na landas sa karera ang napili kong kurso siguro dahil maraming taon ang masasayang sa aking pag-aaral, internship at board examination at iba pa. Iniisip nila na pumili ako ng kurso na makapagtatrabaho agad at kumita ng pera para makatulong agad sa pamilya.

Mahirap makipagkasundo sa katotohanan na ang mga taong pinakamamahal mo ang siyang tatapos sa interes at pangarap mo. Totoo naman na tayong mga anak ay palaging sumunod sa payo ng ating mga magulang lalo na kung ito ay makabubuti sa atin.

Ngunit huwag naman po sana  ang hadlangan ang mga pangarap na unti-unti naming binubuo bilang inyong mga anak, mahalaga sa amin na makahanap ng lakas na masasandigan at makakapitan sa sa tuwing kami ay nahihirapan hindi sigawan, pagalitan at sisihin kung bakit ito ang napili naming kurso dahil lang sa munti naming pangarap.

Suporta. Opo, iyan po ang kailangan namin mula sa inyong mga magulang, hindi naman po kami manhid na hindi makita ang sitwasyon natin sa buhay kaya nga po kami nagsusumikap dahil sa sakripisyo ninyo pero huwag naman sana ninyo limitahan ang kaya rin naming gawin para sa ating pamilya sa hinaharap.

Sa mga sitwasyong tulad nito, ang komunikasyon ay susi. Kinakailangan na magkaroon ng isang bukas at tapat na pakikipag-usap sa iyong mga magulang at ipahayag ang iyong mga iniisip at nararamdaman. Ang pagtitiyak sa kanila na ito ang talagang gusto mo at ang pagpapaliwanag kung paano mo pinaplano na makamit ang iyong mga layunin ay makatutulong na maibsan ang kanilang mga alalahanin.

Bukod dito, mahalagang tandaan na sa huli, ito ang iyong buhay, at kailangan mong gumawa ng sarili mong mga desisyon. Huwag hayaang mawala sa isip mo ang iyong mga pangarap dahil sa hindi pagsang-ayon ng iyong mga magulang. 

Kung ikaw ay madamdamin at handang magsumikap, walang makakapigil sa iyong makamit ang mga ito. Mahalagang ituloy ang ating mga pangarap nang buong puso, anuman ang mga hadlang na ating kinakaharap. Kaya naman, hinihimok ko ang mga kapwa mag-aaral na manindigan para sa kanilang mga pangarap at magsikap tungo sa kanilang mga layunin, gaano man kabigat ang hamon.


Isinulat ni Lhean Lyn Bangcale

Comments

Popular posts from this blog

BALITA: GAD capability building, dinaluhan ng Teaching & Non-teaching Personnel

ISPORT: Atleta ng arnis, kampeon sa district meet