BALITA: MAPEH, pinangunahan ang 4th LEM

            Matagumpay na naisagawa ang ika-4 na Learning Engagement Management Meeting (LEM) na may temang “Championing the Spirit and Resilience of Teachers through Arts and Sports” sa pangunguna ng Departamento ng MAPEH sa Timoteo Paez Integrated School noong ika-17 ng Marso, 2023.

            Naging makabuluhan ang LEM dahil sa mga inihandang gawain, obstacles at aktibidad sa iba’t ibang istasyon na susukat sa ugnayan ng bawat guro sa kanilang grupong kinabibilangan.

Dinaluhan ng mga guro mula sa iba’t ibang departamento ang aktibidad, layunin nito ay palakasin, pagtibayin ang relasyon ng bawat isa, mapaghusay pa ang komunikasyon at pakikipag-ugnayan sa grupo. Sama-samang lutasin ang mga tasking na ibinigay habang masayang ginagawa ito at may positibong pamumuno.

Napagod, nabasa at nagutom man ang mga dakilang guro ng paaralan ay umuwi naman silang may ngiti sa kanilang mga labi.

 

 

Isinulat ni: Axl Rose V. Ferrer


Comments

Popular posts from this blog

SPORTS: Paezians, patuloy na umaarangkada!

TPIS Arnisador, humakot ng parangal!