BALITA: Kung may bisikleta ka, may parking slot ka
Photo credit: D’Photography |
Kung may bisikleta, may parking slot ka
Bisekleta ba ang ginagamit mo sa pagpasok sa paaralan at nahihirapan saan mo dapat iwanan ito dapat iwanan? Huwag ka ng mag-alala dahil may lugar na para sa inyo.
Naging makalat ang mga bisikleta ng mga siklista nitong mga nakaraang buwan kung kaya’t nagkaroon ng innovation project na Bicycles Parking Area ang Paezians Cyclist Club ng Timoteo Paez Integrated School (TPIS) sa pamumuno ni G. Mark Alvin Manuel, guro sa TPIS, ito ay nabuksan noong Marso 20, 2023.
Ang proyektong ito ay may layuning bigyan nang maayos na espasyo ang mga estudyanteng gumagamit ng bisikleta araw-araw pagpasok sa paaralan.
Nagbigay ito ng tuwa para sa mga estudyanteng may bisikleta. Wari nila’y malaking tulong ito sa dahil magkakaroon na sila nang maayos na lugar kung saan ilalagay ang kanilang bisikleta.
Dahil din sa proyektong ito, mas magiging ligtas ang kanilang bisikleta dahil kung matatandaan, nagkaroon noon ng usapin kung saan may isang bisikleta ang natangay ng hindi kilalang tao na pagmamay-ari ng isang mag-aaral.
Nagbigay rin ang proyektong ito ng tuwa para sa mga mag-aaral na nagnanais magkaroon ng bisikleta. Ang araw-araw na pagkakaroon ng ligtas na parking area ay nakakaengganyo lalo na kung iba-iba ang build ng mga bisikletang ginagamit.
Nagpapakita ang proyekto ito magkaroon ng kaayusan at iniisip ang kapakanan ng bawat isa.
Makipag-ugnayan kay Sir Manuel sa Departamento ng ESP para sa karagdagang impormasyon ng programa.
Isinulat ni Loraine Lopez
Comments
Post a Comment