LATHALAIN: Nagningning ang gabi sa TPIS
Halos dalawang taon din nang makulong tayo sa lungkot ng pandemya, nawala ang mga masasayang handaan at masisiglanng pagtitipon. Maging ang kulay ng mga estudyanteng ‘di man lang nakaranas ng tinatawag nilang “prom” ay kumupas. Mapalad na ako kung ituturing dahil inakala kong makakapagtapos ako nang ‘di man lang nararanasan ang Js Prom. Nitong Marso, namangha ako sa aking nasaksihan pagkapasok ko sa loob ng aming paaralan dahil tila mga nagagandahan at nagbobonggahang gown at porma ang bumungad sa akin, pag-aamin ko, nakaramdam ako ng kaunting pagka- insecure sa aking kasuotan ngunit ‘di ako nagpatinag, nagpatuloy pa rin ako sa pagsasaya sa gabing iyon. Pagpatak ng dilim, nagsimula na ang pagpasok ng mga estudyante at guro. Mas lalong nagningning ang buong covered court dahil sa kislap ng mga ilaw at mga palamuting makintab. Nang oras na namin para rumampa, wala akong makitang iba kung ‘di ilaw na sinabayan pa ng panginginig ng tuhod ko dahil sa kaba pero saglit lamang iyon