ISPORT: Mag-aaral ng TPaez, nasungkit ang dalawang gintong medalya
Nagwagi ng dalawang gintong medalya ang manlalarong si Justin Galindo Paril mag-aaral sa ALS mula sa Timoteo Paez Integrated School (TPIS) sa Regional Taekwondo Championship Kyorugi sa iskor na 13-14 at 1st Place ng Poomsae sa Vista Mall Bataan noong Nobyembre 5, 2022.
Nagpakita ng galing sa pakikipaglaban sa larangan ng taekwondo ang atleta. Mainit ang naging laban sa pagitan ng mga malalakas na manlalaro ng mga paaralan sa rehiyonal lebel.
Naging inspirasyon ni Paril ang kaniyang ina sa laban, sabi niya “sobrang saya ko, inisip ko agad mama ko, sa laro pa lang proud na sya lalo na nung nanalo ako.”
Dahil sa pandemya, dalawang taon siyang nahinto sa pag-eensayo, sa tinagal nito batid niyang hindi na niya gamay ang mga estratehiya. Ayon kay Paril "nagkaroon ako ng depression at anxiety nung simula ng pandemic, taekwondo yung naging libangan ko, nakatulong ito."
Matinding pagod sa pagsasanay ang kinaharap ng mag-aaral bago niya nakuha ang inaasam na tagumpay. "ituloy lang lagi kahit mahirap for the gold" dagdag pa niya.
Nagbalik ang face to face classes sa bansa at sumali muli siya sa TPIS taekwondo naging captain siya dito at nagsimulang magturo sa mga kapwa manlalaro. "Wag kayong susuko, walang madali kung san kayo komportable, malay mo balang araw kayo na maglaro sa sea games." sabi ng atleta.
Noong Nobyembre 2019, sa edad na 13 taong gulang siya'y unang sinalang sa international school sa hanay ng mga taekwondo at nakamit nya dito ang unang gintong medalya.
Isinulat ni Graciel Balane
Comments
Post a Comment